<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, December 28, 2004

day 2

this is my second day of being alone in this big house.

so far, so good.

mula pa noong bisperas ng pasko, nayayaya na ako ng aking mga piling-piling mga kaibigang pinoy na doon na sa kanila maki-pasko. gawa na rin ng mga nangyayaring hindi maganda sa amin sa pinas, minabuti ko na lang na hindi na sumama at magpirmi na lang dito sa aking kwarto. sa tingin ko kasi ay hindi rin naman ako magiging masaya kung ang isip ko naman ay nasa pamilya ko. bahala na sila kung sila ay nagsasaya at ako ay nalimutan na nilang nag-iisa dito at malungkot. basta't masaya sila, ok na rin yun sa akin.

nagagawa ko lahat ng gusto ko habang wala si bumbay. sarili ko ang buong kabahayan. nakakapaglakad ako ng naka panty lang dito sa loob ng bahay. nangungubeta ako ng hindi na nagla-lock ng pinto. tinatambak ko na lang muna ang mga hugasin sa lababo at inaapuntahan ako ng katam. (katamaran)

nood ako ng tv sa kwarto ko. pag nagsawa, labas ako at doon naman ako sa lounge ni bumbay manonood. nakakapanood ako sa lounge habang kumakain ng pananghalian o hapunan o kahit na ano.

marami akong nalabhan kahapon. ang ganda ng araw. tirik na tirik ang sikat ng araw na tila nagdahilan lang ang mga nagdaang araw na parating umuulan.

unang gabi ko, iniwan kong bukas ang ilaw sa hallway sa magdamag. minabuti ko na lang na i-set ang alarm ng buong kabahayan sa magdamag. itong kwarto ko lang naman ang walang alarm kaya kahit na mag-gagalaw ako dito sa loob ay ok lang. huwag ko lang na makalimutang naka on ang alarm kung magising ako sa dis-oras ng gabi at pumunta ng cr.

iniwan ko ring bukas ang ilaw ng kwarto ko. pagdilat ng mga mata ko, nakasikat na ang haring araw. haaayyy!!! naka-survive ako sa buong magdamag. tinawagan ako ni sybells at tinatanong kung anong oras daw nya ako susunduin sa martes. (ngayon na nga iyon) parang feel ko pa ring magsolo flight. marami pa akong gustong gawin na hindi ko pa nagagawa.

kahapon, dumaan ang ex-wife ni bumbastik. pakakainin sana ang alagang pusa ni bumbay. sabi ko ay napakain ko na. ok rin itong dalawang ito. matagal na silang hiwalay ni bumbastik pero nanatili silang magkaibigan. kapag may problema si ex-wife sa kanyang mga bagong kalalakihan, si bumbay ang hinihinangahan nya ng sama ng loob. kahapon, nakipagkwentuhan si ex-wife sa akin. sya ang naghatid kay bumbastik sa airport. at doon ko nalaman. sa pag-aastang astig ni bumbastik eh may tinatago pala itong katangian. natatakot daw palang sumakay si bumbastik ng eroplano. natatakot daw kahapon pagsapit sa airport. gusto kong bumunghalit ng tawa. lekat na yan. tatapang-tapang sa bahay at sisiga-siga eh duwag pala ang lekat. sabi ni ex-wife, matagal na daw na hindi sumakay ng eroplano si bumbay. may 25 taon na daw. ahahahahaha!!!! ano ba yun? matatakutin pala itong si bumbay.

alas tres na ng umaga akong nakatulog kanina. alas siete ng umaga, gising na ako. ano ba yun? ang aga. pagdilat ng mga mata ko. tirik na tirik na ulit ang sikat ng araw. haaayyy!!! naka-survive ulit ako.

rubbish day ngayon. araw ng paghakot ng mga basura. nailabas ko na kagabi ang rubbish bin pati na rin ang blue bin. ang blue bin ay lalagyanan ng mga basyong plastic containers at mga de lata. mamaya ko na sila kukunin. tulog muna ako ulit. antok pa ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home