<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, December 29, 2004

day 3

matatapos na rin ang pangatlong araw ng aking pag-iisa.

so far, so good.

as usual, sinet ko ang alarm ng kabahayan just in case mapasarap ako sa tulog. pagdilat ng mga mata ko, umaga na ulit. 6:30am. ang aga. sa sobrang aga, natulog ako ulit bandang alas otso ng umaga. haaayyy!!! ang sarap ng buhay ng ganito. tuloy lang ang sweldo mo, wala kang ginagawa. papektik-pektik lang. wala kang iniintinding masungit na kasama sa buhay. sandali ko ring nakakalimutan ang mga pangyayari. pero hindi ko pa rin maiwasan na paminsan-minsan ay natutulala ako at hinihimay-himay ang kahapon. kung bakit nangyari ang ganito. ano ang nagawa ko.

matapos na nagpasikat ang haring araw ng mga ilang araw nitong mga nakaraang araw, (parang ang gulo. syempre sa araw sya lalabas di ba?), eto at makulimlim at nag-uuulan. malakas ang ihip ng hangin. tila baga nakikilungkot ang kalangitan sa mga nagdaang sakuna sa ilang parte ng southeast asia.

nakakalungkot isipin. sa isang iglap, ilang sakuna ang naganap. ilang buhay ang nawala. malapit na nga bang magunaw ang mundo? ayaw kong isipin. nakakapangilabot.

i wonder kung lalong natakot si bumbastik sa kanyang biyahe sa vanuatu. ito pa namang lugar na pinuntahan nya ay mga grupo ng mga islands at yung hotel daw nya ay tapat na ng dagat. siguro ay nabalitaan na nya ang nangyaring tsunamis. baka lalong natakot ang lekat.

bukas, dadaanan na ako ni sybells para doon sa kanila maki celebrate ng happy new year. parang ayaw ko na gusto ko. bahala na si batman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home