<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, December 29, 2004

when it rains, it pours

and when it pours, it pours real hard, baby!

oh yeah... but im not talking about the tsunami thing. it makes me shiver. sunud-sunod sila. earthquake, tsunamis? kakatapos lang ng nangyari sa pinas. eto at sa sri lanka naman at kung saan-saan pang parte ng mundo. ano pa? ano pa kaya ang isusunod? ayoko nang isipin pa. kung babalikan mo lang ang mga sinasaad sa banal na bibliya, kikilabutan ka sa mga kasalukuyang nagaganap.

enough said. sa buhay ko, lately ay sunud-sunod na rin ang mga unos na nagaganap. pero sa titindi ng mga pinagdaanan ko, gusto kong isipin na minamani ko na lang dapat ang mga ito. pero ako'y isang magandang tao lamang. marunong rin masaktan. kahit na ilang vezes na akong nadapa. babangon at babangon ako ulit para muling madapa. pero sa bawa't pagkakadapa ko, ilang peklat na ba ang naghilom at naging sugat ulit? at muling naghilom? at nasugatan na muli? ahhh.... wala akong kadala-dala. ang dami ko ng peklat!

ang paskong ito ang masasabi kong my not-so-nice cold christmas. bakit kamo? problema sa amin sa pinas. problemang naiwan ng tatay ko. problema ng kapatid ko. problema ko sa inang ko. problema ko sa trabaho ko. problema ko sa health ko. problema ko sa lecheng puso ko.

wala na. wala na yata akong hinihintay. sobra na yata ang aking pagiging tanga sa larangan ng pag-ebeg. ilang buwan ako naghintay. tatlo. tatlong umaatikabong buwan. sari-saring palusot ang narinig ko. na syang pinaniwalaan ko. ang buhay talaga ay punung-puno ng mga pagbabalat-kayo ng mga tao. dapat sa kanya ay nag-artista na lang at hindi na nagtrabaho sa saudi. sinasabi ko na nga ba na hindi ako dapat nagpapaniwala sa katagang "busy". dahil ang lecheng busy na yan, hindi mauubos yan. you know that you can still find time for yourself. and when that time comes, hindi mo ba mailalaan ang kahit kaunting oras mo sa iyong minamahal? yun ay kung mahal mo nga. busy rin ako. but i can find time for you. pero ngayong pasko, naghangad ako ng tawag mo. nagdaan ang bisperas ng pasko. wala. nagdaan ang araw mismo ng pasko, wala. sige na nga. mukhang nagtitipid sa phone call. ako na nga ang tatawag. naubos na yata ng pautay-utay ang phone card ko ng wala na yata akong tinatawagan. tila putol na ang iyong celfone. pati telepono mo sa trabaho ay hindi ko malaman kung ayaw mo lang sagutin o wala ka nga doon. tawag ako sa isang numero. tila hindi ka kilala ng nakasagot gayong dati na kitang nakausap sa number na iyon. ano ba ang nangyayari? natapos ang buong maghapon, naging sawi ang lahat ng ginawa ko.

at isa lang ang aking naging konklusyon. wala na. wala ka na. at isa lang ang ibig sabihin rin niyon. wala ng kasalang magaganap sa july. ang galing mong tumayming! itinaon mo pang pasko. pero sige. ok lang. sa esep-esep ko, di ko hinangad na magkaroon ng asawa ng walang bayag. ang hindi magawang sabihin ang nasa sa loob nya. ang naduduwag na humarap sa katotohanan. bakit nga ba ganoon ang mga lalaki? kapag sinusuyo ka, lahat na lang ng mga palamuting pananalita ay maririnig mo. pero sa oras na gusto na nilang kumalas, ni hindi marunong magsabi man lang o magpaalam? basta na lang nangawawala. kung anu-ano ang mga dinadahilan. mahirap bang sabihing ayaw mo na?

ayaw ko ng maging dagdag ka pa sa mga iniisip ko. like what ive said before, simple lang ang panuntunan ko sa buhay. kung ayaw mo, wag mo. kung hindi mo nagawang magkaroon ng bayag na kausapin ako sa pagbabago mo ng isip, wala akong panahon. there's no point of crying over something not worth crying. marami na akong nailuha nitong nagdaang kapaskuhan. wag ka ng maging padagdag pa. i still stand on my belief about karma.

at para namang ang bilis ng super powers ni Lord pagdating sa ka-puso-an. nagpadala agad ng kapalit. tsk! tsk! tsk! i dated someone last sunday! the longest time ever! 13 long hours! whew! napagod ako. he's the sweetest guy i have ever known. well... lahat naman ng mga lalaki, sa umpisa ay puro sweet. what's new? pinakilala sya sa akin ng kaeskwela ko noong high school. i took her word about him. "he's a nice guy", she said. "too nice that i might get bored." hhmmm... let's see. i tried it. and we clicked. and he said he just found the girl of his dreams. and that's me. lufet!

we're into two different time zones. 21 hours apart. and we dated online. kala nyo in person na ano? let's see what will happen next. hindi pa hilom ang sugat ko. but im not scared to give it a try..... again.

2 Comments:

Blogger ting-aling said...

Naku, nasundan rin kita. Tagal din akong hindi nakapagbasa ng sulatin mo.

6:52 am  
Blogger Kiwipinay said...

ahahhaha!!! natawa naman po ako dun. pasensya na po at medyo may nilulutong bagong pansit ang aming bloglord.

ang galing naman ninyo. di lang magaling magluto. magaling pang mag spy. para kayong si agent 007.

8:24 am  

Post a Comment

<< Home