hindi lang sa pelikula
hay nako! breath-taking kumbaga! eto ay isang fresh na fresh na kaganapan at pati ako yata ay aatakihin sa alta presyon!
pag-uwing-pag-uwi ko, palabas ang mag-asawa sa garahe. hmmm... tila hinde pumasok si babae. dapat ay alas diez pa ng gabi ang uwi nya galing supermarket.
sabi ko sa sarili ko, haayyy... ang sarap! tahimik ang kabahayan! walang magulo.
makaraan ang mga isang oras, bumalik ang mag-asawa. diretso si babae sa telepono at nirikisa ang mga messages sa kanilang answering machine. may sinasabi sa akin si lalaki pero di ko maintindihan. mamaya daw at ipapaliwanag nya sa akin.
mukhang may nangyaring kagimbal-gimbal sa aking obserbasyon sa kanilang dalawa. umupo na ako sa may comedor para mag-abang ng kwentong sinasabi.
ang tagpo?
muntik ng magahasa si babae sa loob ng kabahayan ng flat namin.
flashback:
(tuninininininunininini.......)
ito kasing mag-asawa ay kasalukuyan pa lang na naghihintay ng approval ng kanilang permanent residency. kaso, yung previous employer ni lalaki ay dineny sya sa comelec (sundan nyo na lang mabuti ang kwento at hindi ko babanggitin ang tinuturan kong agencia ng gobyerno at baka biglang ipasara itong blog ko!) na hindi daw nila naging empleyado dun. bakit dineny? dahil minsan daw, tinawagan itong si lalaki dito sa auckland at nakikiusap na bigyan sila ng market or orders para makapag ship sila sa nz ng kanilang produkto. sabi ni lalaki, kausapin mo na lang ang managing director ng kumpanya namin at ibinigay ang phone number nung direktor. kaso, siguro ay minasama nitong si previous employer at hindi sya tinulungan ni lalaki. ayun! kaya nung nagtse-check na si comelec ng mga certificates ni lalaki, dineny sya. nag hire ng imbestigador itong si comelec para imbestigahan (natural) si lalaki. bigla raw sumulpot sa trabaho ni lalaki itong si imbestigador at inaakusahan sya na gawa raw ng isang batang paslit ang kaniyang certificate at kung anu-ano pang pag-aakusa sa kanya. minsan raw, nagtawag ng meeting itong si lalaki at mag-usap sila harap-harapan kasama ang kanyang asawa para ibigay ang panig ni babae. hindi dumating si imbestigador.
at bigla raw dumating dito kanina bahay, wala si lalaki at nasa trabaho. ang laking mama daw nitong tao na ito. matangkad pa kay lalaki. walang anu-ano, sinabi raw ni imbestigador kay babae na hindi na nya ipagpapatuloy ang pag-i-imbestiga basta't pumayag lang sya (si babae) na makipagtalik sa kanya. at sabay dinaklot na raw ang mga bulubunduking tralala ni babae. tumayo si babae at pumasok sa hallway kung nasaan ang telepono na hindi sya makikita ni lalaki. akala raw siguro ay pagbibigyan nya. sabay tawag ni babae sa tatlong numero na pang-emergency at may mga barangay tanod ng darating. nagmamadaling sinabi ni babae na pumunta sila sa bahay at may lalaking humahalay sa kanya. nakow! wala pa nga daw limang minuto, andito na mga pulis. bilib ako sa aksyon nila. at take note ha? hindi mga pulis na naka-uniporme.mga pulis civilian.
paglabas ni babae galing sa hallway, sinalubong sya ni imbestigador at nagpang-buno na sila. sigaw ng sigaw si babae pero tila walang kapitbahay na nakakarinig gayong magkakalapit naman ang mga kapitbahayan. maaaring lahat ay nasa opisina. ito namang si damulag na imbestigador, hinagis kay babae ang upuan sa komedor! por juice por santo! ang bigat nun! kumbaga sa atin, parang narra yata itong upuan na ito. ayun! bukol ang inabot ni babae pati na ang kanyang suot na pantalon ay napunit sa kanilang pagbubuno. dinala raw ng mga baranggay tanod ang kanyang punit na pantalon at panty for souvenir. este.... for ibidens!
kaso lang, nung iniimbestigahan si babae ng mga pulis, itong si imbestigador ay dali-daling pumuslit. sinabi ni babae na iyon ang humalay sa kanya. may kumausap lang daw na pulis dun sa imbestigador, inabot ang card at umalis na.
halos maghapon daw palang nasa presinto itong mag-asawa kakabigay ng kanilang statement. galit na galit si flatmate kong lalaki. bakit daw hindi pinatawag sa presinto yung imbestigador gayong sila ang biktima, sila ang ilang oras na nakabinbin sa presinto gayong yung akusado ay malayang nasa labas at hindi raw kinukuhaan ng statement.
haynakupo! ano na naman bang gusot ire? baka pati ako ay madamay na dito. baka bumalik yung damulag? baka manggulo pa dahil irereklamo sya sa comelec nitong dalawa. di na daw bale na hindi nila makuha ang kanilang pinakamimithing paninirahan sa bansa ng mga kiwi basta lang daw na makulong itong si damulag. kaso lang, sa sobrang pagka-mukhang pera talaga nitong si lalaki, tinanong ko kung paano at alukan sila ng "amicable settlement" para wag na lang nila ituloy ang demanda? aba! tanungin ba naman ako ng "tingin mo, magkano kaya iaalok nya?" poklay na yan!
kaso lang, bigla po akong nagising. panaginip lang pala.
ay hinde po! kayo naman, di na mabiro. totoo po lahat ito. kanina nangyari.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home