<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, July 03, 2005

bakit ganon?

bakit ganon? parang ang dating sa akin, pati pamilya ko, hindi nila naiintindihan ang kalagayan ko dito. as if, feeling nila, buhay mayaman na ako dito sa nz. eh di nila alam basta't may maipapadala ako sa kanila, ipapadala ko. may maiiwan lang na konting barya para sa akin pang-gasolina at konting pamalengke. nung isang araw, nalaman ko sa nanay ko, nag-withdraw daw ng pera kapatid ko sa account ko, di na daw binigay sa nanay ko ang sukli. eh para mabuo ko ang ganun kalaking halagang pera, ilang pakikipagbuno ko sa ubo at ilang obertawad ang ginagawa ko para maipadala sa kanila tas gagastusin niya ng ganun-ganun lang.

ngayon, may gusto syang ipadala sa akin na gamot daw. yung extra virgin coconut oil chuva. akala ko naman, isa lang ang ipapadala. malaman-laman ko sa nanay ko, ang dami daw ipapadala, isang kahon daw. yun pala, ang ipinangbili rin, galing rin sa perang pinapadala ko. oo, sige, para daw sa akin at baka daw makatulong sa pag-galing ko. kaso, di naman daw tinanggap sa post ofc sa pinas dahil mahigpit daw ang nz at di daw tatanggapin. ngayon, naka-tengga ang isang kahon na halagang ilang libo sa bahay namin.

kanina, tumawag ako para kamustahin nanay ko. kauwi-uwi, kung magsalita kapatid ko, naiinis pa sya at andun lang daw sa bahay ang mga ipapadala nya na dapat daw sana ay napapakinabangan ko na. eh kasi naman, yung tinatawagan ko na parang express padala from manila to nz, laging answering machine tas sobrang busy nga sa trabaho. tsaka gusto ko kasi, makasiguro ako na kapag dumating iyon dito sa nz ay may nakahanda akong pambayad dahil di naman sila magbabayad nun sa pinas. pag dating nun dito, ako pa rin ang money down. parang akala nila, ganun lang kadali ang pera dito sa kalagayan ko.

tas, kausap ko nanay ko, juice mio! nakaka ilang buwan na ako sa sakit ko, di pala nya alam ang tunay kong sakit gayong sinabi ko na sa kanya. ngayon, parang nagulat pa sya sa sakit ko. sabi ko, di ba sinabi ko na yun sa yo? di daw nya matandaan dahil matanda na daw sya. minsan daw naba-blanko isip nya. wala na. naiyak na ako. parang naisip ko, ano ba namang buhay ito? bakit nagkakaganito? sa huwebes, bubutasin na naman ang likod ko. di ko alam kung iko-confine nila ako ulit sa ospital. tuluy-tuloy na tulo ng luha ko. ayaw ng tumigil. wag daw akong umiyak sabi ng nanay ko. wag na daw akong mag-alala tungkol sa ipapadala. sabi ko kasi, di ko naman alam na ganun karami ang binili nya. akala ko ay isang bote lang ang ipapadala. ngayon, parang ako pa nagka-problema kung paano nya ipapadala sa akin gayong di naman dapat ako nagpo-problema. naisip ko naman, sya na nga ang nag-iisip ng paraan para sa ikagagaling ko ako pa galit. di naman ako sa galit kaya lang kung paano nya sinabi sa akin. kulang na lang kasi tirisin ako sa telepono sa mga diin ng pagkakasalita nya. haaayy!! naiinis ako! nape-pressure nila ako ng husto.

hanggang sa sabi na lang ng nanay ko, kung wala na daw akong masabi, ibaba na lang namin kasi nga iyak na lang ako ng iyak. kaya ayun.. eh di ibinaba. wala naman sa plano ko ang pag-iyak eh. kaso ayun! naki-singit kasi ang kapatid ko sa usapan namin ng nanay ko.

ang hirap-hirap talaga ng kinalalagyan ko ngayon kung nalalaman lang nila. lalo na kapag ganitong bubutasin na naman ang likod ko, malaking panghihina ng kalooban ko ang nararamdaman ko tuwing maiisip ko na bubutasin ang likod ko. akala nila, madali lang ang mabutasan ng likod. super sakit yun ha? just the thought of it, inangkupu! kinikilabatutan ako sa sakit. hanggang kailan pa ba ito? naiinip na ako.

tas sa 13, bertdey na naman ng nanay ko. ni hindi ko nga alam kung ano maipapa-bertdey present ko sa kanya. haayyyy!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home