chizmax 2 da max!
gusto mo ng chizmax? o sya! maupo kang mabuti at mahaba-haba ire at matagal ko ng hindi naa-update.
naalala mo pa ba (hindi yung sa luneta ha?) nung nagkagulo dito sa flat at may i tawag pa ng pulis si babae?
well.. hindi muna yan ang wento.
isang sabado ng hapon, umalis ang mag-asawa. pagbalik, medyo nagtataka ako kung bakit tahimik. very unusual kasi sa mag-asawa na wala akong maririnig na ingay lalo na yung babae. alas onse ng gabi, lumabas ako ng kwarto para pumunta sa loo. nakita ko si lalake, lalakad-lakad sa sala at karga ang anak na maliit. nagkatinginan lang kami. alas cinco ng umaga, nagising na naman ako at punta ako ulet sa loo. nagkagulatan pa kami ni lalaki dahil papunta rin pala sya sa loo. sa aktong iyon, kinausap na nya ako.
di daw sya makatulog. wala pa daw ang asawa nya at hinahanap ng bata. bakit kako? anong nangyari sa asawa mo? pinayagan daw nyang sumama sa asawa ng kaibigan para umatend ng party. ang usapan nila, alas onse ay tatawagan na ni babae si asawa at susunduin naman ni lalaki sa babae kung nasaan man ito. ang siste, alas onse ng gabi, dinaybert ni babae ang calls ng kanyang mobile phone. di sya makausap ni lalaki. sa galit ni lalaki, hinakot and mga damit ni babae at iniwan sa bahay ng kaibigan at nagbilin na huwag ng babalik dito sa flat. hhmmmm... drama na naman.
paglabas ko ng loo, nag ring ang mobile phone ni lalaki.
"where are you b%tch?!"
maya-maya, umalis si lalaki. di nagtagal, bumalik. pero tahimik pa rin ang kabahayan.
tulog ulet ako. nagising na ako ng alas nueve ng umaga ng linggo. nakita ko si lalaki na naglilinis fridge. "are you alright?" tanong ko. oo daw. yung alis daw nya nung umaga, pinuntahan lang nya si babae para sapukin! ha? oo daw. pagkitang-pagkita daw nya sa babae, sinapok daw sa harap ng mga tao.
"ito para sa paghihintay ko!" pak!
"at ito naman para sa akin!" pak-pak!!!
paalis na daw sya pero bumalik agad. "at eto naman para kay baby!" pek-pek-pek!!!!@#%%
sabay alis na nya.
sus mio! wawang babae! walang kadala-dala!
dati naman pala na ginawa na ito ni babae. may pinuntahang party sa trabaho. ang bilin ng asawa, pagsapit ng alas diez, lumabas na at susunduin na sya. di daw lumalabas sa takdang oras, pinasok ni lalaki ang restawrant at sinampal si babae at hinilang papalabas. sus ginuu! makatagpo ka naman ng ganitong asawa, pakatandang dalaga na lang ako noh? (naku, Lord, opinyon lang naman po. pero wag naman po sana, ha?)
at dahil nung umaga ay iyak ng iyak na ang bata at hinahanap ang ina, dinala ni lalaki si beybi sa nanay dun sa bahay ng kaibigan. dumudodo pa kasi itong bata sa nanay eh.
naawa naman ako kay lalaki. in fairness, masipag si lalaki. kung lang sana ay nagagawa ni babae ang mga gawain ng isang ina at mga gawain sa bahay, tingin ko naman ay isa sana silang happy family. kaso, dahil nga laang at bata pa si babae, tipong ngayon pa lang kasi nag-e-enjoy si babae.
ayon kay lalaki, babalik na lang daw sya sa fiji. wala na daw syang nakikitang magandang kinabukasan sa nz. bukod kasi sa kaso nila sa immigrations, may kinakasangkutan pa rin syang isang gusot sa ird kung saan ay sya ang hinahabol. kumbaga, magulo na umpisa pa lang ang kanyang pinasukan mula nang makarating sya sa nz. at ngayon pa daw, dalawang buwan ng buntis ang kanyang asawa. haaaaa???? hindi daw nya alam kung kanya ang bata. kung kanya daw, tatanggapin nya. gaya daw ngayong magdamag na nawala ang kanyang asawa, ipapa-medical daw nya asawa nya para makasiguro na walang nangyari sa magdamag at para daw makasiguro sya na hindi sya magkakasakit. ginuu! ang lufet!!!
ano kamo? dalawang buwan? ninuninuninuninu.... compute! compute! compute! teka..... kailan ba narito yung imbestigador? may 19 daw. o-ohhhh.... naloko na. ibig mong sabihin, may nangyari nga noon at di lang sinasabi sa yo ng asawa mo? di daw nya alam. kapag sila naman daw ang gumagawa, sinisiguro daw nya na may proteksyon sya. oh my gulay! totoo nga!
eto namang si babae, mukhang inililihim sa akin ang kanyang pagbubuntis. bakit kamo? kung anu-anong idinadahilan kesyo tumataba na daw sya dahil kain lang daw sya ng kain at matulog. hindi na kasi nila dinadala sa nanny ang anak kaya nagpa-palit ng schedule si babae sa pinapasukang supermarket. pansin na rin na malaki na ang tiyan nya. pero tila hindi sya excited na ipagmagalingan ang kanyang dinadala sa sinapupunan. di ba yung iba ay very proud pa at talaga namang kahit kanino ay ibabalita na sya ay buntis? naka! eto naman, kung anu-anong dahilan nya. kagabi, sabi nya ay next month naman ay malaki na daw syang tingnan dahil daw sa kakakain nya. sus! if i know!
ang problema nya, kung paano pa nya kamo maitatago pag nagkataon na puti ang lumabas pagkapanganak nya. ang mga indiano kasi ay malalakas din ang mga dugo. kapag hindi bumbayin ang naging anak nito, tinamaan ng magaling! anak nga ng imbestigador yun.
nag-a-analyze kami ng amo ko eh. (mag-analyze daw ba?) nabanggit ko sa kanya na tila itinatago nga ang pagbubuntis. sabi ko maaaring may nangyari nga nung araw na yun. hindi sya talagang rape. bumigay si babae. may pagka-flirt kasi sa totoo lang itong babaeng ito eh. maaaring bumigay si babae kay imbestigador kapalit ng papel. ang hindi nya alam, pinaputok sa loob ni lalaki. kaya nagdalawang isip si babae at tumawag ng pulis. na-drop ang kaso nila sa pulis pa lamang. bakit kamo? no sufficient ibidens daw. my gulay! eh kasi raw, ang gulo ng statements ni babae. maraming bagay daw na hindi masagot ni babae. kaya ayun! kahit si lalaking flatmate, sinabi na nya sa akin na parang may tinatago si babae. magulo raw ang mga statements. haaaayyyy!!!
mabalik tayo nung linggo. nag text si babae. uuwi na raw sila at umiiyak daw ang bata at hinahanap naman ngayon ang ama. hhmmm..... mukhang ma-eksena na naman ang nag-aabang ng araw na iyon.
naramdaman kong dumating na si babae at ang bata. hinatid nung kaibigan. mistulang alipin si babae. wag na daw pumasok ng lunes at maglinis daw ng kabahayan. bakit daw sya. sino ang gusto mong gumawa? ako? ako na magdamag na nag-bantay sa bata habang ikaw ay nagpakembot-kembot sa sayawan? ayun.. di na kikibo si babae.
maya-maya na naman, nadumi yung baby sa kanyang nappy. inutusan ni babae si lalaki na linisin ang bata. (kapal talaga nitong nanay na ito!)
bakit ako? linisin mo! magdamag kang nagpasarap kaya ikaw ang gumawa nyan.
pasok ang mag-ina sa banyo. di pa nakakaabot ng banyo, inutusan ni lalaki si babae na magtimpla ng tsaa. pumalag si babae at lilinisin daw nya ang anak.
"hindi! bitawan mo yan at ipagtimpla mo ako ng tsaa. anong oras na? alas quatro na noh? anong oras pa tayo kumain! dali! ipagtimpla mo ako ng tsaa."
walang nagawa si babae. labas sya ulet at magtitimpla ng tsaa. nasa kusina rin ako at nagluluto. sige, tuloy lang ako ng ginagawa ko. etong si babae, umiiyak na pala. pero tuloy syang nagtitimpla.
biglang sumigaw si lalaki. "i want tea! why are you putting milo?" naku! na-agua de pataranta na yata si babae. tinanggal ang milo. pinalitan ng tsaa.
maya-maya, "why are you using that big mug? who will drink in that mug? use a smaller cup for me! quick!"
eh biglang bumulong na yata si babae sa reklamo. nakupu!!! yung bulong nyang iyon, sabay tayo ni lalaki, "what did you say? what did you say?' pakkkk!!!
powtek! sapok na naman ang inabot ni babae! buti ay nakaiwas ako at kung hindi ay nahagip din yata ako. sabay patay ng kalan at pumasok na ako sa kwarto.
hinatak ni lalaki si babae patungo sa telepono. tawagan daw ang tiya na nasa fiji at sabihin kung ano ang ginagawa sa kanya ni lalaki. ipaalam din daw kung anong oras na sya umuwi ng bahay. iyak na ng iyak si babae.
maryopes! por juice por santo tomas! ako ay masalingan lang ng kahit kaunti ng mapapangasawa ko ha? nakow! subukan lang nya! ako pa magsosoli sa kanya sa nanay nya.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home