<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, August 23, 2005

abortion ba ang kasagutan?

mayroon bang tinatawag na pagkakamali sa pagbubuntis? di ba ito'y isang malaking kahangalan lamang? noong bang sa bawa't indayog ng inyong mga katawan at pag-ungol sa sarap, hindi mo ba naisip ang magiging resulta? ngayong nabuntis ka, sasabihin mo na "it was a mistake"? ang sarap sampalin!

noong isang araw, itong flatmate kong lalaki ay nagtanung-tanong tungkol sa pagiging citizen kung ang bata ay ipapanganak sa nz. hindi ako nagtaka sa tanong nya pero pinalabas ko na nagtaka ako at gusto kong makakuha pa ng impormasyon.

di daw ba ay alam ko na buntis ang kanyang asawa. sinabi mo kako. pero hindi naman ibinabalita sa akin ng iyong asawa. dahil hindi daw sigurado kung itutuloy. balak daw ipalaglag. bakit nyo kako ipapalaglag? ginawa nyo yun at dapat alam nyo ang mangyayari. "it was a mistake". sarap dunggulin. but you can't correct a mistake with another mistake. hindi daw nila alam ang magiging resulta ng kanilang papeles. kung sakali man daw na bumalik sila sa fiji, hindi nila alam ang magiging buhay nila pagkatapos. hhmmm... mababaw.

tinanong nya ulet ang citizenship. kung daw bang ipanganak ang bata, kailangan daw ba nyang ikuha ng passport sa fiji. sa pagkakaalam ko, at sana ay hindi ako absent noong itinuro sa akin ng aking professor ang tungkol sa mga citzenships na yan, ang batang ipinanganak sa isang bansa na kung saan ay hindi naman citizen ang mga magulang ay magiging isang natural-born citizen. ano daw yun. hay nako! mega paliwanak ako at aywan naman kung naintindihan nya.

nung linggo ng gabi pagkagaling sa trabaho ni babae, walang abug-abog, tinanong ako ng buong lakas at may ngiti pa sa kanyag mga labi kung ano daw ang maipapayo ko. itutuloy daw ba nya ang kanyang pagpapalaglag sa sinapupunan. ibinigay ko sa kanya ang panig ko at ang nag-aabang na kasalanan sa kanyang gagawin. "it was a mistake" na naman ang narinig ko na tila inaral nilang mag-asawa ang sagot. ang haba ng paliwanag ko at umooo lamang sya na akala ko ay tanda ng pagliliwanag ng kanyang isip. araw daw ng lunes ang nakatakdang araw ng kanyang pagpapalaglag.

kinalunesan pag-uwi ko ng gabi, tinanong ko kung ano ang nangyari. ang hitad, buong ngiti na sinabing "i did it!"

"huh? what do you mean? you pushed thru with the abortion?"

"yahh.... i did it!" na tila baga kung ano lamang pangkaraniwang ginawa nya at buong ngiti na sumasagot.

"and you can even manage to laugh about it?"

"no, i cried earlier"

"oh my Lord..." nanlumo ako. ako ang nanlambot sa ginawa nya. nangilabot ako sa kanilang ginawa na parang umihi lang sya at voila! tapos na!

"im a bad person" sabi nya.

the whole night, tahimik lang ako. feeling ko, pati ako ay nagkasala. wala akong nagawa para maisalba ang isang inosenteng kaluluwa. the whole night, itong babae ay tila walang anu pa mang nangyari.

ganun na ba ang panahon ngayon? parang napakadali para sa kanila ang mag-desisyon ng abortion. parang ala lang. umire ng kaunti, at tuloy na ang ligaya.

hindi ko alam kung gaano kalalim ang "it was a mistake" na sinasabi nila. pero malakas ang pakiramdam ko, may itinatago si babae. siguradong kung may ginawa nga syang kalokohan dun sa imbestigador at nabuntis sya nito, lagot talaga sya kapag ang inilabas nya ay isang maputing bata. pero sapat na bang dahilan iyon para ipagpatuloy nya ang pag-a-abortion?

ang daming mga mag-asawa na gustong magkaanak na hindi magkaanak. eto, buhay pa sila, sinusunog na kaluluwa nila.

sana nga ay tama ang naging desisyon nila sa kanilang ginawa. but on second thought, may tama ba sa abortion? sa isang buwan na ang expiry ng kanilang visa. wala pa rin ang extension ng kanilang work permit.

kinausap na ako ng flatmate ko. if ever daw na sila'y babalik sa fiji, ako na daw ang magpatuloy sa pag-renta nitong flat dahil ang matandang may-ari ay nasa UK. kapag nagkataon, kahit papaano, mayroon na akong pwedeng mapatuloy na mga kaibigan na gustong bumisita sa nz pansamantala. o kaya ay yung mga bagong dating na mga kakilala. pero lahat ng iyan ay mangyayari, kapag will ni Lord.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home