<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, August 22, 2005

ganun na nga ba kahirap ang buhay ngayon?

naisip ko lang. ganun na nga ba kahirap ng buhay ngayon?

halimbawa, papamiliin ka, ang matulog ka sa sasakyan araw-araw o bumalik ka sa bansa mo?

eto kasing nanay ng flatmate ko, hawak ay visitor's visa lang at malapit ng mag-expire sa isang buwan. natutulog sila sa sasakyan, karay-karay ang tatlong anak na may mga edad 7, 6 at 4 at may isang binatilyo na nagtatrabaho sa isa supermarket. wala silang matuluyang bahay at wala raw pambayad ng bond.

itong flatmate kong lalaki, hindi sila in good terms ng kanyang inang. minsan na dito tumutuloy ang nanay nya kasama ang mga kapatid sa pangalawang ama noong hindi pa ako nakakalipat pero binad-trip ni mother-in-law si flatmate kong babae, kaya ayun! pinalayas sila dis-oras ng gabi. ang taray na manugang!

mula noon, hindi na nakatungtong dito ang nanay at mga kapatid. nung minsang tumawag ang flatmate ko sa kanilang bansa, napag-alaman nya ang kalagayan ng ina. natunton naman at niyaya muli dito sa bahay. noong una, nahihiya pa siguro ang ina kaya sa gabi, sa sasakyan pa rin sila natutulog pero pagsapit ng liwanag, dun sila dumadaan sa flat at saka sila naglilinis ng kanilang mga sarili at kumakain.

may asawa itong nanay nya na taga nz. pero hiniwalayan sya nung nalamang buntis na naman sya sa pangatlong anak. sa unang asawa, lima na ang anak nitong nanay. very productive yata. aywan ko naman, sa hirap ng buhay sa bansa nila, ay kung bakit di nya naisipan na mag-control man lamang. sa pagdibosyo nila, sinusustentuhan lang nanay nya ng NZ$50 a week sa tatlong anak. inang kow!

alanganin pa nung una na magbigay ng tulong itong flatmate kong lalaki. numero uno raw kasing sinungaling nanay nya at mapag-gawa ng istorya. pwede raw syang tumulong in terms of food alang-alang sa mga kapatid nyang maliliit pa. pero nunca raw na mag-aabot sya ng pera sa kanyang ina. pinababalik na sa fiji, ayaw naman bumalik ng ina. wala rin daw na mangyayari sa kanila doon. wala naman daw silang bahay na aabutan. nangungupahan lang din sila. pero ano naman kaya lalo ang magiging buhay nya rito? kung saan-saang parking lot lang sila pumaparada para matulog. lalo na at ganitong kaylamig?

noong isang gabi, tinanong ako ng flatmate ko kung ok lang daw ba sa akin na patuluyin nya rito ang nanay nya pati na mga kapatid. although nakikini-kinita ko na riot ang mangyayari dahil sa super gulo ng mga bata, nasaan ba naman ang puso ko kung tumanggi ako kung sakali? sagot ko naman sa kanya, "nagtataka nga ako sa yo kung bakit di mo sila niyayayang dito matulog". i feel sorry for the kids. lalo na yung pinakamaliit. although 4 yrs old na yung maliit, eh sus me! super payat at mukha pang mas bata sa anak nitong flatmate ko na 2 yrs old. kung nga kami na nanunuluyan na sa isang bahay ay giniginaw din, what more sila na natutulog sa labas?

ayun! that evening, dito na natutulog ang mag-iina at tatlong bata. pwera ang isang kapatid na binatilyo na nagtatrabaho sa supermarket. not in good terms yata sila talagang mag-kapatid. ito kasing kapatid na binatilyo, nakarating sa nz gawa nitong flatmate ko. nabigyan ng job offer mula sa pinagtatrabahuhan ng aking flatmate kaya mula sa fiji, residence permit na agad ang kanyang hawak. ilang buwan lang nagtrabaho sa kumpanyang pinapasukan rin ng aking flatmate, ayun! nag-disappearing act ang lekat. hiyang-hiya ang flatmate ko sa kanilang employer. kaya ganun na lang kalaki ang galit ni flatmate sa kanyang kapatid. kaya ayun! sukdulang matulog sya sa sasakyan, di nagpapakita itong binatilyo sa flatmate ko. haaayyy!!!

yan yata ang literal na tinatawag na NPA (no permament address). i wonder how he applied in the supermarket ang what address he put in his application form. ehehehe... noong araw kapag nag-a-outing kami, naranasan ko na ang matulog sa van. pero sus mio! isang gabi lang yun ha? mahirap rin kasi hindi mo maiunat ang mga legs mo. eh etong mga ito, matagal-tagal rin silang natutulog sa sasakyan. ganon na nga ba kahirap ang buhay?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home