<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, September 18, 2005

tama na! sobra na!

matagal-tagal din akong nagtiis. ako kasi yung taong sanay na mamuhay mag-isa. obvious naman siguro dahil nga sa edad ko na ito, mas sanay akong namamasyal na mag-isa, kumakain sa mga restawran na mag-isa. i know na masarap din ang may kasamang mga kaibigan at mahal sa buhay pero kung ang makakasama ko naman ay gaya nitong nanay ng flatmate ko, ay sus! di bale na lang na mag-isa ako habambuhay.

sabihin mo naman, ang ok naman neto! sus! eto, sampolan kita. marunong naman syang mag-inggles. hindi man lang marunong magpasintabi. yun bang magsabi man lang ng "excuse me". basta na lang bubuksan ang cupboard kung saan, andoon ako at nag-aayos ako ng lulutuin ko. minsan, may dudukwangin na lang, yung siko, tatama sa balikat ko. kahit na "im sorry", wala rin.

kung magsigamit ng kasilyas, nakupow! matatalo pa sila ng mga naninirahan sa liblib na baryo ng pinas. eto, ni hindi marunong magsipag-flush ng toilet. kahit ilang vezes mong sabihan, sige pa rin sila. iiwan na may patak-patak ang toilet seat.

hindi marunong kumatok. basta na lang na animo'y lumulusob sa giyera. walang katok-katok. ang sarap ng dagukan.

etong isa, medyo matindi na at biglang nasaid na ang aking pasensya. ako naman ay mabait kung sa mabait. ayan nga o.. kita mo ba ang halo sa ulo ko?

kahapon kasi, naglaba ako ng maaga at papasok ako sa trabaho. matapos nalabhan, sinampay sa sampayan sa labas. sige, balik ako sa kwarto ko. nag-ayos-ayos, at punta na sa bathroom para maligo. sa aktong ako'y magsi-sipilyo at humarap na sa bintana, ay sus! may isang pamilyar na tanawin na syang aking ikinagulat! bakit nasa may halamanan ang aking jersey na uniporme? (jersey tawag nila dito sa mga parang sweatshirts or cardigans. hindi po yung jersey para sa basketball) may mababang halamanan sa pagitan ng dalawang bahay na syang ginawang parang bakod. at andun, nakalatag na parang ikinula ang aking jersey na sa huling tanda ko ay nakasampay sya ng maayos sa sampayan. yung talikod ko na yun at labas sa kusina, tinanong ko ang aking flatmate kung bakit nakakula ang aking jersey. tiningnan nya. tinawag ang mga anak ng kanyang biyenan na syang nagsampay ng kanilang mga damit. tanong ako ng tanong kung bakit napunta dun ang aking jersey. ayaw sumagot nung bata. saan daw nya ilalagay. lalong nag-init ang ulo ko.

"where did you pull that out on the first place? and why did you pull it out? it was hanging nicely on the clothesline!!@#$#"

hindi ako makababa at wala ang sinelas ko sa may pintuan sa kusina.

"where's my slippers????"

sabi ng flatmate ko, baka daw ginamit ng kapatid ng asawa nya.

"i just used it when i hanged my clothes. where's my slippers????"

baka daw nasa harapan.

"then get it! why will it go there! i just leave my slippers here!"

tiningnan ng flatmate kong babae. wala daw. baka daw ginamit ng biyenan nya.

dun na sumilakbo ang aking bulkang mayon. ang damit mong sinampay, makita mong nakakula tas pati sinelas mo, tinangay???? helllooooooooooo??? sarap murahin isa-isa etong mga 'to. hindi naman din ako makalabas dahil lahat silang mga bata ay nakahara sa dadaanan ko. magsipasok na nga kayong lahat sa loob! poklay na yan!

pasukan ang mga bata. bumaba ako sa sampayan ng nakapaa, at pinaghahablot ang aking mga sinampay! grrrrrr!!! buset na buset ang byuti ng lola, ang aga-aga!

tapos na akong maligo ng marinig ko na dumating ang biyenan ng flatmate ko. sinasabi ng flatmate ko sa kanya na galit na galit ako at ikinuwento ang nangyari. ala lang. parang di sya apektado.

pag-uwi ko galing sa trabaho, sinabi sa akin ng flatmate kong lalaki na nakahanap na ng ibang flat ang nanay nya. last day na nila kahapon at di na matutulog dito ng gabing yun. buti naman. tinanong ko kung sinabi sa kanya ng asawa nya ang nangyari. oo daw. haaayyy!!! salamat naman po. let there be peace, ika nga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home