ang salarin!
ang gulo ng mundo! sobra na talaga! nakita mo ba ang nangyari sa hurricane katrina? na sinundan ni hurricane rita? tas ngayon ay ang lindol sa pakistan? tsk! tsk! tsk! malapit na nga yatang magunaw ang mundo. takot ako! nag-eesep-esep na nga ako eh. paano kung dito lumindol? sino ang iiyak sa akin? sino ang kukuha ng bangkay ko? wala. wawa naman.
pero teka nga muning. bakit ba napunta dun ang usapan? ahh... eh kasi nga ang gulo! as in!
tingnan mo ha? mula noong nakaraang taon na nahirapan akong maglakad na parang may hika at sabi ng doktor na tumingin sa akin ay pangkaraniwang flu lang daw naman pala ay yun naman pala ay balot na balot na ng tubig ang baga ko, sinisikap ko na magpatingin na lamang dun sa talaga kong GP. ang problema, during weekdays na kung saan malapit ang kanyang clinic sa lugar ko, ay nahandon sya. kapag weekends naman, medyo malayo na. eh alam mo naman ang lola mo, medyo bano sa pagmamaneho kapag napalayo na ang rota ng sasakyan.
kaso nga, eto at may nararamdaman na naman ako, punta nga ako nung linggo sa doktor ko na malayo ang clinic kaya nagpasama ako sa aking flatmate. agad-agad nya akong pina-xray at blood test ng lunes. martes daw ay bumalik ako sa kanya.
o sige. sinulat nya ang ospital. bakit kako sa middlemore? malayo yan sa akin.
ahh... sabi naman nya. oo nga pala. dun ka nga pala banda dun. o sige. sinulat nya ang auckland hospital.
bakit kako dun? di ba pwedeng mas malapit? di daw at dun lang daw pwede.
o sge na nga. masama man sa loob ko, may magagawa pa ba ako? lunes ng umaga, sugod na nga po ako sa ospital. nakow! ke trapik pa! may isang oras kalahati yata akong nasa daan. inaantok-antok pa ako at gusto ko pang matulog.
punta ako sa radiology department. aba! kapag naman po talaga ika'y mamalasin. pinapapunta ako sa greenlane kung saan yun din ang sabi ko sa doktor na baka pwede sa greenlane hospital. nakipag-argue ako sa receptionist. di daw talaga pwede. kinuha nya ang number na lang ng employer ko pati na phone number. kakausapin daw nya. at siste? eh di umalis na ako at lipat dun sa isa pang ospital. bad trip talaga. sayang ang oras, ang pagod, ang parking fee ko! dapat ay i-reimburse nya yun ha?
"R-U-S-H" ang nakalagay dun sa request ng aking x-ray. pagkatapos akong makunan ng xray, sabi nung tsekwang babae sa xray room. "okay, you're done. the result will come out after 10 days!"
huh? nakikita mo ba kako yan? sabay turo dun sa request form na nakasulat ay "R-U-S-H". he needs that by tomorrow.
"okay" sabi nya ulet. "the result will come out tomorrow."
punta naman ako sa kuhaan ng dugo. kuntodo pikit na ang mga mata ko nung nakita kong malapit na akong kuhaan ng dugo. okay lang daw ba ako. tumango ako. bakit daw.. may masakit daw ba sa akin. ayaw ko kako ng karayom mo. natawa sa akin yung phlebotomist. nung isasaksak na yung karayom, wag daw akong tatalon at kaunti lang naman daw na kagat ang aking mararamdaman. haayyyy!!! aywan ko ba. para akong bata kapag kinukunan ng dugo. di pa rin ako masanay-sanay sa sakit ng karayom na yan.
martes ng umaga, nagpaalam na ako sa amo ko na male-late ako at didiretso kako ako sa doktor ko. oo daw. punta ako sa GP ko. pinag-antay ako. di naman pa nagtatagal, tinawag na ako. ibang doktor ang tumatawag sa akin. lapit ako sa receptionist. sabi ko ay yung si doktor ek-ek ang gusto ko. wala na daw dun at di na daw nagki-clinic yung GP ko. dun na daw sa malayong clinic. ay sus ginuu! nayamot ako. malayo talaga yung isang clinic na yun. mag-inarte pa ba ako? sabi ko sa sarili ko. tutal ay babasahin lang naman ang resulta sa akin. sige na. pwede ko ng pagtyagaan itong isang doktor na ito.
ang siste, blood test lang ang binasa. walang x-ray na lumalabas pa. haayyy!!! ok lang sila? pero ang verdict, ang aking thyroid, ay nag-iinarte rin. eh kasi, feeling ko ay ok na ako. minsan ay nalilimutan kong uminom ng gamot. ayun! sermon ang inabot ko sa proxing doktor. sa ngayon, di ko pa rin alam ang resulta ng xray. malamang-lamang alamang, sa 25th of this month na lang ang aking aabangan. tumawag ang ospital. may appointment daw ako ulet sa a-25 ng buwan. kaso, hindi na si doktor pasko ang titingin sa akin. tsk! tsk! tsk! sayang. gusto ko pa naman ang doktor na yun. lapit na pasko eh.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home