<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, November 20, 2005

ang mga flatmates kong may kaba..

kabastusan!

maniwala ka? at half past four in the morning, makita mo akong nagba-blog dito?

sus! kanina pa ako nagising ng alas cuatro. nagulantang ako sa pagsigaw ng flatmate kong babae sa kanyang anak na dalawang taon at sabay iyak naman ng bata!

tila nag palpitate ako sa gulat sa pagkakagising ko.

ang mga hayop na 'to!! walang pakundangan sa mga taong natutulog!

ang lalakas pa nilang mag-usap. mga bastos talaga!

sa inis ko, dali-dali akong tumayo, lumabas ng kwarto at sabay ibinalagbag ang pinto, pasok sa toilet, at ibinalagbag ulet ang pinto, sabay weewee. naririnig ko pa rin na tuloy ang pag-uusap nila na tila di sila natinag sa lakas ng balagbag ko ng mga pinto. pagkatapos ko, labas ako ng cr, ibinalagbag ang pinto, pasok ako sa kwarto ko at ibinalagbag pa ng mas malakas ang pinto!

dapat, sa akto na yun, maantig man lang ang kanilang mga senses. pero nunca! ang kakapal! eto, kalahating oras na akong gising, tila wala pa rin silang balak na matulog.

ipagpalagay nating nagising ng alanganing oras ang bata, pero por juice por santo naman, do they have to scream and talk aloud at this time of the day?

1 Comments:

Blogger Kiwipinay said...

hi david,

thanks for dropping by my blog. was surprised, though, that you took time to read my blog even if it is written in our native tongue. were you able to understand a thing?

went to you site but i can't find any link for comments. thanks for sharing your blog. will visit it often.

happy new year to you. see you around. :)


pinay sa nz (meaning filipina from new zealand)

8:29 pm  

Post a Comment

<< Home