<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, January 19, 2006

tuso man daw ang matsing

napaglalalangan din!

note: dahil sa ka-bobingan, ang ke-haba-haba kong wento ay nawala sa alapaap. kaya eto, compose ako ulet ng wento-wento sa paglalayas ni kulasa.



yan ang bagay na bagay na kasabihan para sa aking flatmate na lalaki.

ang nangyari? tumakas si babae, tangay ang mahigit dalawang taong anak, matapos na sagarin sa pag withdraw ng pera sa banko, pati pagsagad sa cash advance sa credit card kasama na pati ang BMW at tinangay patungong fiji.

kawawang lalaki. naiwang mag-isa kasama na ang mga utang.

sabi ko na nga ba. ang perang hindi mo pinaghirapan, madali lang din na mawala. ano ba ang perang iyon?

ito kasing si lalaki, bago pa lamang dito noon sa nz, may nag-offer sa kanya na maging isang direktor ng kumpanya... sa papel lang naman. dito kasi, kapag ang kumpanya mo ay na-bangkarote dahil sa hindi mo pagbabayad ng buwis, hindi ka pwedeng makapagtayo ng panibagong kumpanya at hindi ka rin pwedeng mag-open ng account sa ano mang banko sa loob ng tatlong taon (sabi da)

at dahil si flatmate ay direktor, sya ngayon ang hinahabol ng kabaranggayan ng mga buwis. at dahil sa takot na baka ma-bangkarote ulet ang kumpanya at pangalan nya ang nakataya at hindi na sya maaaring makapagtayo ng sarili nyang kumpanya, gumawa sya ng paraan para isaayos ang mga libro ng kumpanya. nalaman ng totoong may-ari na nagkukubli sa dilim at pinigilan si flatmate sa anumang kanyang pinaplano. hayaan na raw maghabol ang IRD at yun naman daw ang kanilang trabaho. pinagre-resign na lang sya bilang direktor para hindi na raw sya kabahan.

isang araw bago sya tuluyang mag-resign sa kumpanya, nangupit si flatmate ng napakalaking halaga sa kumpanya. he calls it "compensation". compensation kuning na walang approval ng mga shareholders. ayus!

eto na po ang totoong may-ari. hinahabol ang perang kanyang kinupit. ayaw ibigay ni flatmate. compensation nya raw iyon. (kapal!) ayaw pumayag ng totoong may-ari at hindi naman daw pwede ang gayong kalaking halaga. may pumapadrino sa kanilang dalawa. at iisa ang payo sa aking flatmate ng mga nakakatanda. isoli ang pera. gayun din ang payo ko sa kanya. bakit ba kako ayaw mong bitawan ang pera? paano na raw sila kung kinakailangan na nilang bumalik sa fiji? bakit kako? nung dumating ka naman dito sa nz, wala ka naman ding pera. at kung sakali namang madala mo yan sa fiji, tingin mo ba ay aasenso ang buhay mo sa perang hindi naman talaga laan para sa iyo?

ayaw makinig. ayan tuloy! kaliwa't kanan pati na ang gitna ay abut-abot ang mga kamalasan nya sa buhay.

natatandaan ko pa nung minsan kaming nag-usap tungkol sa isang article sa dyaryo. pinagtatawanan nya yung lalaki sa artikulo dahil nabisto raw na fake lang ang pagkamatay. at naisingit ko nga yung relevance ng artikulo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay nya.

"it's because his wife betrayed him"

bakit daw.

kung di sya kako sinumbong ng kanyang asawa, di pa rin malalaman na buhay sya.

sabay sundot ko ng, "what if your wife betrays you?" (eto na yung time na naki-apid ang asawa nya ng wala syang kaalam-alam)

tinawanan ba naman ako? paano daw iyon magagawa sa kanya ng kanyang asawa. sya pa raw ang maaaring gumawa ng kalokohan sa kanyang asawa pero nunca na ang kanyang asawa.

"hay naku! ang tange-tange mo!" bulong ko sa sarili.

eto ngayon ang naging kapalit ng kanyang pagmamahal sa asawa. matapos na maki-apid sa ibang lalaki si babae, tinanggap ng buong-buo ni flatmate kong lalaki itong kanyang makating asawa. sa kabila ng kanyang pag-tanggap sa malaking kasalanan ng asawa, at matapos na malaman nya na ang ipinagbuntis pala noon at pina-abort ang walang malay na binhi ay gawa ng kanyang kulasisi, eto, itinakas ang perang at si BMW!

pero sabi naman nila, ang pag-ibig daw ay bulag. inangkupu!!! mayroon pa palang ganitong klaseng lalaki sa mundo.




at dyan po natin itutuloy ang istorya

0 Comments:

Post a Comment

<< Home