turning back the time
have you ever stopped and wondered what it would be like had you done this or that?
nung dati pa akong nagtatrabaho sa banko, nakasakay ko sa jeep ang dati kong kaeskwela sa review school kasama ang isa pa naming kaeskwela. sila ang nagkatuluyang dalawa. dati akong niligawan nitong lalaking ito. err... well... di ko naman talaga alam na nililigawan na pala nya ako eh. di ko alam kung manhid lang ako or di ko lang sya type. nagulat na lang ako minsan nang tanungin nya ako kung kailan mamamanhikan ang mga magulang nya sa magulang ko. bakit kako? niloloko mo ba ako? eh di mo naman ako nililigawan bakit ka mamamanhikan? mula noon ay iniwasan ko na sya. ang pobreng lalaki, sa sama ng loob, nakipagbarkada sa ibang grupo at dun inihinga ang sama ng kanyang niloloob na apdo, balun-balunan at atay.
makalipas ang halos sampung taon, nagkrus ang landas namin at nakasakay ko sya sa jeep. kinabukasan, lagi na nya akong tinatawagan sa banko. ipinaghanap nya ako sa operator dahil sa unipormeng suot ko at natunton nya kung saan akong departamento nagtatrabaho. halos araw-araw ay panay ang tawag nya at panay ang balik-tanaw sa nakaraan.
kahit saan ako mapalipat na branch at tuwing may espesyal na okasyon, lagi nya akong tinatawagan. alam na alam nya kung saang branch ako makokontak. para syang isang mabangis na asong malakas ang pang-amoy kahit saan man ako mapadako. isang araw, umiiyak ang pobre. nagmamakaawa na magkabalikan daw kami. ako raw talaga ang gusto nya. dumating daw sa punto ng buhay nya na nanakawan sila, nagkasakit ang asawa nya ng malubha at kung anu-ano paang kamalasan. saka raw sumagi ako sa kanyang ala-ala. ano raw kaya kung kami ang nagkatuluyan? mangyayari rin daw kaya ang mga nangyari sa kanya? hindi ko alam kung mapa-flatter ako sa mga sinabi nya pero mayroon pa ba akong magagawa? marami ng taon ang nakalipas. marami ng nagbago. may-asawa na sya at anak. hindi naman ako papayag na ako pa ang magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay. hihiwalayan daw nya ang asawa nya kung ipangako ko raw na tatanggapin ko sya. inangkupu!!! hellowww??? gusto pa yata akong maging keridad nitow!
noong isang araw, habang magkaulayaw kami ng aking labopmayn sa telepano, napadako ang aming usapan sa isang chapter ng aking buhay sa isang ex. may regrets daw ba ako? anong regrets? regrets yung sinasagot dun sa R.S.V.P. di ba? nye!
anyway.... ano nga ba yang regrets na yan? wala akong pinanghihinayangan sa aking nakaraan. ang magagandang nangyari ay tila dapat lang i-cherish at ang mga hindi magagandang relasyon na nagdaan ay dapat na lang ibaon sa limot. dahil sa mga masalimuot na mga pangyayari sa buhay ko, doon ako naging matured at nag-grow at naging mas matibay. at dahil sa magkahalong magaganda at hindi magagandang pangyayari sa buhay ko, eto ako ngayon, kung sino ako, kung paano mo ako nakilala at minahal.
so, if you will ask me, if given the chance, shall i turn back the time? i would say no.
because if i do, i may not have the chance to know you.
BUT, whether i like it or not, i have to... i have to turn back the time.
and that will be on Sunday.
DST ends on Sunday.

2 Comments:
Kaya ka lang naman may panghihinayangan sa nakaraan mo pag hindi naging maganda ang ngayon mo di ba? Yung iba siguro hindi sa naghihinayang kundi "just wondering what if."
Off topic: almost a year na rin akong lurker sa blog mo, ngayon lang ako nag comment, minsan kasi di ko to ma open eh. Have a nice day!
hi ann... sensha na at ngayon lang ako nakasagot. maraming salamat sa pagdalaw-dalaw.
korek ka rin dun sa "just wondering what if". yung tipong... "ano nga kaya kung..." (ehehehee... tinagalog ko lang naman kaya no?)
Post a Comment
<< Home