<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, August 04, 2006

si flatmate at ang telepano

nung isang araw, na-bad twep ako sa aking indianong flatmate. ay hinde pala... napuno na pala. eh kasi naman... dati, kausap ko yung aking partner in crime. inangat ni flatmate ang phone sabay parang ginawang intercom ang telepono at sinabing gagamitin daw nya ang telepono. oo kako. ibinaba nya ang telepono. eh hindi pa kami nakakapag-paalamanan netong partner in crime ko, inangat na nya ulet. tas baba nya ulet ang phone. tas angat na naman nya. eh paano ka kaya naman makapagpapaalamanan ng ganun noh?

sumunod na pangyayari, may kausap naman akong iba. tas inangat na naman netong flatmate ko ang phone. ginawa nya ulet intercom ang telepano at sinabing gagamitin daw nya. oo kako. alam mo ba ang ginawa? di nya binababa ang phone. as in.... andun at nakikinig na kala naman nya at maiintindihan nya pag-uusap namin at pinoy naman ang kausap ko. eh tila wala yata syang balak na ibaba ang phone, payamot kong sinabi na kung pwede nya munang ibaba ang telepono at magpapaalamanan muna kami netong kausap ko kaya? saka na lang nya binaba.

tas huling pangyayari, may tawag para sa akin. sya ang nakasagot. eh kasi naman, aside from my partner in crime, wala naman na akong inaasahang may tatawag pa sa akin especially during the week kaya ang ringer ng phone ko sa room ko ay naka off. para sa akin pala ang tawag. kinatok nya ang dingding ng kwarto ko kung saan ang kabila nun ay andun ang telepono nya. may tawag daw sa akin. ok kako at salamat. si S, ang aking kaibigan. kinukumusta ako at kung nakahanap na raw ako ng trabaho. aba! eh wala pa yatang tatlong minuto kaming nag-uusap, kinakatok na ako ng flatmate ko at gagamitin daw nya ang telepono. what the....#$%$%^ parang nang-aasar na ah... naisip ko.

narinig ko syang gumamit ng telepano. pero sandali lang. hhmmm... ano ga ireng pinalalabas netong bumbastik na 'to ha? parang nang-aasar ah.... nagpalipas muna ako ng mga ilang malalalim na hininga dahil naiinis na ako sa buset. after say 10 minutes, lumabas ako ng kwarto. ikut-ikot sa kusina. binati nya ako ng "hi kiwi-p!". sa loob-loob ko, hay-hayin mo lelang mo! saka ko ibinulalas ang sama ng loob ko.

"sa susunod nga na may tawag sa akin, wag mo ng ibigay sa akin ang telepano ha?"

"bakit?"

"basta! wag mo na lang ibigay!"

"bakit nga?"

"eh ang hirap naman, wala pang tatlong minutong nakakatawag yung tao eh gusto mo ibaba ko na telepono"

"eh maghapon ka namang nasa bahay lang at gamit mo na nga maghapon ang telepono?"

"hindi! hindi yun. ako ang tinawagan. walang tumatawag sa akin during the week kundi importante! kaya mabuti pa na wag mo na lang ibigay sa akin ang mga tawag. tapos!"

"ok, fine!"

sabay pasok ako ulet sa kwarto. ang lekat na ito? isumbat ba agad sa akin na maghapon daw akong nasa bahay ay dadalawang araw pa lang naman nun na wala akong trabaho? loko 'to ah??? kaya nung gabing iyon na pumasok na ang huling sweldo ko sa trabaho ko, nag fund transfer ako agad sa account nya ng bayad ko ng renta. ginuu! tingnan natin kung pumalag pa sya kaya, noh?

the following day, nagpagabi ako ng uwi. wala syang raket sa pizza delivery kaya pag-uwi ko ay nasa sala sya at nanonood ng tv. nagpapakiramdaman kami. ako na lang ang unang bumati sa kanya. "hi" din daw naman ang sagot nya.

kagabi, kinatok nya ang kwarto ko. nagulantang ako dahil hindi ko namalayan na dumating na pala sya. alas diez y media ng gabi. bakit kako? "pizaa! pizza!" huh? may uwi palang pizza ang mokong. hhhmmm.... kainin ko na raw agad habang mainit pa. hhhmmmmm... ulet.... eto, wari ko ay ang kanyang peace offering. nakakailang subo na ako nang magbanggit sya tungkol sa telepano. nagagalit daw ako sa kanya nung isang araw gawa ng telepano. ipinaliwanag nya na kapag daw nagtext sa kanya ang asawa nya na tumawag sya, kailangan daw nyang makatawag agad. may promo raw ang mobile phone company sa fiji at nagka-clog daw ang linya. kaya kapag nalibre, kailangan daw nyang makatawag agad kundi ay mahihirapan daw ulet na maka-contact. hhhmmm.... di na lang ako sumagot. pero ngani-ngani kong gustong sabihin sa kanya na ano ang kinalaman ng promo ng mobile phone company sa pag-istar ko sa bahay? aber???

at dahil may pizza, sige... palalagpasin ko na lang muna yan. kain muna ko ulet....

5 Comments:

Blogger sachiko said...

This comment has been removed by a blog administrator.

2:03 pm  
Blogger sachiko said...

hehe..enjoy itong ranting mo dito,ah! post ka naman ng pic ni indian,curious na ako! cute ba?

but he is sweet naman ha..marunong manuhol,hehe...pizza, anong flavor ang lagi niyang uwi sayo?

2:05 pm  
Blogger Kiwipinay said...

naku manay! dahil indiano sya, laging may chicken ang pizza nya. at kadalasan, umuusok sa anghang ang mga dala nyang pizza na di kaya ng powers ko. ayun nga at sandmukal na jalapenos ang aking tinanggal! *whew* too hot for me!

sweet nga rin ang mokong, sa totoo lang. kapag nakabihis sya at bagong paligo, may itsura. pero kapag galing sa trabaho at di pa nakakaligo, naku! amuy bumbay na gawa ng kanyang puro curry na kinakain! ;)

4:46 pm  
Blogger Tuny said...

Hi, just stumbled..

Naku, sana inde mo kinain, baka gina-gantihan ka na (joke :)). I can't imagine myself flatting with anybody not Pinoy.

Well, then again, minsan nga maski Pinoy inde ko rin makasundo...

12:54 am  
Blogger P 31 said...

hi! call me jenny and a kiwi hopeful. been roaming around blog world of pinoys in NZ and found yours. Dami pala ninyo... and im glad to be able to read your articles... at least i have an idea na buhay kiwi.... keep on blogging... il be dropping by often. salamat!
jenny

12:55 pm  

Post a Comment

<< Home