<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, August 19, 2009

not quite a happy birthday

oh yes! it's my birthday! and it wasn't what i expected it should have been. hindi maganda ang mga pangyayari kaya dito ako magra-rant. kakahiya naman dun sa aking pondahan kung lalagayan ko ng nakakasorang post!

eto pong greeting card na ito ay galing sa aking ka-blogkada na si mec. ang ganda ano? gawa nya yan. although hindi ako marunong gumawa nyan, im sure she had put a lot of effort on that very nice digi-card or ano bang tawag dyan kasi? hahaha! thank you, mec!

first of all, 18 pa lang, nasira na araw ko. ket kamo? meron kasi akong kinakapatid na matagal na hindi nakakausap. out of the blue, bigla akong hinanap. yung pala, nag-apply ang anak nya papunta dito. kaya pala ako hinanap. nanghihingi ng mga tips at "tulong" at mai-guide ang kanyang anak pagdating dito. ginamit ang pangalan ko na ilagay sa pagsumite ng mga papeles sa immigrations. (common scenario!) hindi ako nagbigay ng false hopes sa kanila. naging totoo lang ako at sinabi ko ang hirap ng paghahanap ng trabaho ngayon dito. i made them aware of what life here in nz. hindi tipong bed of roses. which is true naman di ba? kahit siguro sino tanungin mo na narito na. kung sanay ka sa marangyang buhay sa pinas, marami ang nagsasabi ano nga ba ang ginagawa nila rito? yun ngang kasama ko sa trabaho dati, de-katulong sa bahay. sa trabaho nya, may assistant sya. ni mag-xerox, di marunong mag xerox at may taga xerox daw sya dati sa pinapasukan nya sa pinas. pero dito, makita mo, hila-hila nya ang isang malaking yellow duffle bag na puno ng mga mails for the day at kailangan nyang bitbitin papunta sa reception which is in another building. nung nagkasalubong kami, bumubulung-bulong at ni sa panaginip daw ay di nya ma-imagine na maghihila-hila sya ng mails dito sa nz.

anyway, going back to my story, kahapon, nakatanggap ako ng email mula dun sa kinakapatid ko. narito na pala ang anak nya sa nz at dumating na nung 15 pa. ang gara di ba? una, ni hindi ka na pina-abisuhan na parating. pangalawa, ni pabalat-bunga, di man lang nag-offer kung may gusto akong ipadala galing sa amin? o baka sinadya nga lang kayang hindi ipaalam para hindi ako magpadala? pangatlo, nun pa palang 15 narito, ni hindi man lang tumawag naman yung anak or mag-email para sabihin na narito na nga. pang-apat, nung sumulat ang ina, pasensya na raw at ngayon lang daw nakasulat. "busy" raw at nagpapa-renovate ng bahay. ang galeng di ba? ngayong nakakuha na sila ng mga valuable inputs at nakapasa na sa immigrations, bigla na lang silang naging busy para ma-update ako. pang-lima, sabi nung ina, mag-email daw sya sa anak nya para raw ako'y matawagan at makausap. ang akin namang take on this, malaki na anak nya. may anak na at may sariling pamilya. kung may isip sya, sya na mismo ang dapat na kumontak sa akin di ba? hindi na sya kailangang diktahan pa ng ina nya kung ano ang dapat gawin para maipaalam sa akin na narito na sila.

ok lang. ganito yata talaga ang papel ko mula nang nakarating ako dito sa nz. di naman sa pagbubuhat ng banko, marami na rin akong natulungan. pero in the end, after na matulungan mo sila, wala na. gaya nung mag-asawang pinatuloy ko rito. ganyan din. nung nabalitaan nila na narito ako, hinanap din ako. sinundo mo sa airport. kulang pa nga ang isang kotse para sa laki ng bagahe nila. kinaray ko pa ang kaibigan ko. pinatira mo rito. tinuruan mong magmaneho. ipinasyal mo sa mga lugar-lugar para ma-familiarize sila. yun pala, may nahanap nang matutuluyan, di ka man lang makwentuhan. tas bago pa nun, tinatanong pa kung pwede pa raw sila mag-extend ng stay dito. tas two days before, sabay kayong naghapunan, sabay kayong nag shopping, di man lang maikwento na may malilipatan na sila. weekend, namili ng kama at dining set. saan kako idedeliver dahil wala akong alam na lulugaran dito sa flat ko. dun daw sa bahay na lilipatan. tama ba naman yun? mahirap bang maikwento sa akin na may malilipatan na sila? pinatulog mo na sila sa kama mo, ako nasa sala natutulog sa isang air bed, tas di man lang nila mabanggit na may malilipatan na sila? tas bago pa nga nun ay nagpapa-extend pa sila ng stay dito? W-O-W! what would you expect? shempre sobra akong nasaktan nun. eto ka, with open arms, ibinigay mo ang lahat ng tulong na maibibigay mo. isang kwento lang, hindi man lang nila nabanggit na may malilipatan na sila? and to think, during that week, lagi silang late na umuuwi. ang rason nila ay overtime. i doubt. yun na sigurado ang time na nagdi-deal na sila sa homeowner sa pagre-rent nila. sabi ko nga, it won't take a day na may nakita kang bahay, ngayon mo nakita, ngayon mo sinabing gusto mo, ngayon ka nagbayad at bukas ay lilipat ka na. it's not like that here in nz! ay nako! sa sobrang galit ko nun, lumayas ako sa sarili kong flat! dun ako natulog sa kaibigan ko. dun ko ibinuhos ang sama ng loob ko. bakit ganoon. after all this things na naitulong mo, ganito ang mga ginaganti sa iyo ng mga tao? tas ngayon, eto na naman.

ayaw kong isipin pero ang una ngayong pumapasok sa utak ko ay maraming taong mga USER! manggagamit! nakakapikon lang. pero Diyos na ang bahala sa kanila. naibuladas ko lang ngayon dahil sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari.


anyway, lalabas sana ako kanina. pero na-unsyami dahil medyo nagmega-emote ako kanina. ala lang... siguro ay dahil masyado na akong nagiging sensitive. etong aking pakner in crime ay naging mabuting ka-pakner naman at ako'y inalo-alo. hay nako! ang tagal din naming nag-usap sa telepano kaya hindi na rin ako naka-alis dahil malapit nang magsara ang mga malls dahil maaga ang sara kapag miyerkules. bukas na lang ako aalis. bakasyon pa rin ako hanggang bukas.

maraming bumati sa akin na hindi ko inaasahan na babatiin nila ako. yung iba na inaasahan ko ay hindi na yata ako talaga naalala. ok lang. "busy" siguro.

pasalamat pa rin ako kay Lord for another year that He gave me. in the end, kami pa rin namang dalawa ang magkakasama. maraming salamat po sa lahat ng mga naka-alala.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home