maglilimang taon na ako dito sa flat na ito. maganda ang lugar na ito. tahimik. mababait ang aking mga friendly neighbourhood. kadalasan lang naman na magkita kami ay kung nagsasampay na ng mga labahin sa likod bahay. kung minsan ay halos di rin nagkikita ng matagal-tagal. not until nung limipat ang nasa pangalawang unit.ok yung matanda. cowboy. mabait. super! at lagi akong niyayakap nun kapag binibigyan ko ng pancit. paborito raw nya yun sabay yayapusin ako sa tuwa. nung umalis na ang mag-asawang matanda at nag-retire na at sa coromandel na lang daw sila mamimirmi, ang pinatira nila dito sa unit 2 ay yung anak na lalaki na may ka-partner na pana. bago pa lang umalis ang matanda, ipinakilala naman ako. puro pa-puri ang narinig ko sa matanda nung ipinakilala ako. di ko naman itatanggi dahil talaga namang mabuti akong kapitbahay.
hanggang isang araw, kinausap ako nung anak na lalaki kung pwede raw iparada nila sa gabi ang sasakyan nila dito sa may harapan ng garahe namin. yung sasakyan kasi ng lalaki ay nasa garahe na. gusto nilang ipasok ang sasakyan nung pana sa tapat ng garahe namin. maookupahan nila ang garahe ko. kundi naman kasi, aywan kung bakit ayaw nilang i-park ng vertical dun sa garahe nila. ipina-park nila na horizontal kaya maookupahan ang tapat ng garahe ko. kung dangan naman kasi, may alarm naman sasakyan nya kung bakit ayaw nya pa ring iwan sa may daan ang sasakyan nya. at dahil di naman ako naglalalabas lalo na sa gabi, pumayag naman ako. kung daw kinakailangan akong lumabas, tawagin ko lang daw sila at wala naman daw problema.
kaso, may mga gabi na masyadong maaga nilang ipinapasok ang sasakyan. alas otso pasado lang. usually ay mga 9:30pm nila ipinapasok. ok lang sa akin ang 9:30 dahil ang lisensya ko ay di na ako pwede sa daan lagpas ng alas diez. pero kung alas otso y media lang, minsan ay nakakatihan ko pang lumabas at mag grocery sa supermarket dahil sa ganitong oras, konti na lang ang tao sa supermarket.
eh kaso, ang nabubuset ako, aside dito sa sasakyan nila, aba! isang araw ay nakita ko na lang na may sulat na iniwan yung babae sa may pintuan sa likod ng bahay. ginamit nya ang sampayan ko. kung gagamitin ko raw ay ilagay ko na lang daw ang mga sinampay nya sa basket. pasalamat sya at di ako naglaba nun. kaso, isang weekend na magsasampay ako, aba! punung-puno ang sinampay ng mga labahin nya. mga damit nila at pagtingin ko sa sampayan nila, puro mga bed sheets at pillow cases. sa sampayan ko, ultimo mga panty nya ay nakasampay sa sampayan ko! eto pa ha? ako, kung magsampay ako, may pattern yan. tatlong hilera kasi yan na sampayan. sa unahan, dun ko sinasampay ang mga damit pang opisina ko. sa gitna ay mga pambahay at ang pangatlong hilera, mga singlets at underwears ko na. para naman kung may dadaan sa likod bahay, ang makikita naman nila ay maayos na mga damit sa harapan. aba! etong kapitbahay ko, nakisampay na at lahat, yung tatlong kulay pula pa nyang panty na g-string ay nakasampay sa harapan! yuck!! as in pula pa ha at take note! maluwag na garter ano??? sa buset ko, di ko tinanggal sa sampayan! itunulak ko silang lahat dun sa kabilang dulo gamit ang sipit ng ng sampayan at saka ko sinampay ang mga labahin ko.
maraming araw at linggo at tila buwan din ang lumipas na di ko inaabot na may sinampay sila sa sampayan ko. nakahalata siguro. buti naman. not until today! 'day ha? naglaba pa naman ako ng mga bed sheet at mga pillow cases ko. okupado na naman ni bruha ang sampayan ko. this time, ang mga sinampay nya ay bedsheets din at pillow cases. sa kanilang sampayan ay ang kanilang mga damit. hhmmm.. natuto naman kung ano ang ilalagay nya sa sampayan ko. ang di ko lang maintindihan, wala kaya syang isip para makisampay sya sa sampayan ko ng weekend? alam naman nila na nagtatrabaho ako at kapag weekend lang ako nakakapaglaba. and besides, kung tingin mo ay di kakayanin ng sampayan mo ang mga labahin mo, eh di wag kang maglaba ng marami di ba? o kaya ay bumili sya ng airer nya. nasosora ako talaga! this time, di ko na mapapalagpas ito! i have to put a stop on this! punta ako sa tapat nila. sarado ang bahay. tiningnan ko ang kotse kung nakaparada na sa labas. wala rin. so, matapos naglaba, umalis ang bruha!
gumawa ako ng sulat at iniwan ko ang note dun sa basket nya. sabi ko lang naman ay itigil na nya ang paggamit ng aking sampayan pero ang note ko ay naka-address na kunwari ay di ko alam kung sino ang nagsasampay. bahala na sya!
well, another thing na ginawa netong kapitbahay ko na pana, kung bakit sumusulak na ang dugo ko sa kanya, isang araw na nagluluto ako, napansin ko mula sa may pintuan ng kusina na ang aking red wheelie bin ay tila nagalaw ng pwesto. hhmmm... baba ako at tiningnan ko kung bakit maiiba ng pwesto ang basurahan ko. aha! may nagtapon ng basura sa basurahan ko! mga diyaryo lang naman at plastic na container ng gatas. pero helloooo???
bakit dun nila itatapon sa red wheelie bin ko? dapat, etong mga papel at plastic containers, sa blue wheelie bin dapat nilalagay. mga recyclables. tiningnan ko ang blue wheelie bin nila. ang dami pang pwedeng ilagay. mas malaki ang blue wheelie bin sa red wheelie bin. bakit dun nila itatapon sa red wheelie bin ko? tas pagbukas ko ng aking blue wheelie bin, aha! may nagtapon ng mga dried na halaman at tila may nag-gardening. ang mga ganitong basura ay hindi sa blue wheelie bin nilalagay. may sariling wheelie bin ang mga pinagputulan na mga damo mula sa pagmo-mow at mga sanga-sanga gawa ng pag-ga-garden. kapag nahuli ka ng council, may karamptang multa na nakapatong dyan! hellooooo??? bakit nyo sa akin itinatapon ang mga 'to ano? isa pa, kapag nahuli ka rin ng council na nagtatapon ng basura mo sa wheelie bin ng iba, may multa rin yan! $500! pero paano mahuhuli tanong mo? well.. di ko alam kung paano. sa buset ko, inilipat ko sa kanilang blue wheelie bin ang mga basura sa basurahan ko. kung di ka naman ba mabubuset, itatapon nila sa blue wheelie bin ko ang pinagtabasan ng kanilang pagga-gardening. eh ang luwag-luwag pa naman ng kanilang blue wheelie bin? bakit nila sa akin itatapon? kasi nga, may multa kapag ikaw ay nahulihan na hindi tama ang basura na nilalagay mo. so, matapos kong ilipat sa basurahan nila ang kanilang mga basura, tinanggal ko ang aking mga wheelie bins sa kanilang kinalalagyan at inilipat malapit sa hagdanan sa likod bahay. at kapag naman may nakita pa akong itinapon nilang basura sa basurahan ko, hello???? naghahanap na talaga ng away etong aking kapitbahay!