<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, September 23, 2005

nang dahil sa $70 dollars

paalala lamang pow:

itong isasalaysay ko ay hindi naman talagang chizmax. although ito'y totoong kwento, ngunit hindi ko istorya, may nais lang akong ipahatid na aral o iparating na mensahe para sa lahat.


***background music, ate charo....

toink, toink, toink, toink, pakitoink, kitoink....


kagabi, habang ako'y nananahimik na kumakain ng hapunan sa aking silid, bigla na lang akong nakarinig ng galit na boses.

hay nako... opo mga kapatid. nagbabangayan na naman ang mag-asawa. galit na galit si lalaki.

"i work for myself and for my kids! i don't work for your family!"

aray ko! ano na naman kaya ang pinag-aawayan nila?

pilit na pinapalayas na naman ni lalaki si babae. at pwersahang pinatawagan ang ina na nasa fiji para sabihin na uuwi na si babae sa fiji. tawag naman si babae habang umiiyak.

ang siste, eto palang si babae, nagpadala ng pera sa fiji at may sakit ang ama. at dahil naubos na yata nya ang kanyang savings mula noong nagbakasyon sa fiji, nagpasabi sa asawa na magpapadala sya. oo naman ang sabi ni lalaki. sige raw at bibigyan sya ng pera. mga mahigit NZ$800 ang ipapadala. ang siste, noong isang linggo pa pala iyon at na-delay ng na-delay gawa rin ni lalaki. eventually, maipapadala na. ngunit and problema ni babae, kapag hindi nya ipina-express ang padala, matatanggap lang daw ang pera sa susunod pang linggo. kailangan na raw ang pera kinabukasan. sa madali't sabi, nagdagdag ng $70 si babae para matanggap ng pamilya nya ang pera kinabukasan.

nalaman ni asawa ang $70 kakulangan sa kanyang account. ayun! nagpupumutok ang butse! pinapahakot ang mga damit ni babae. ayaw ni babae.

"mamili ka! ikaw ang babalik ng fiji o ako?" (hindi po ako, yung lalaki ang nagsasalita)

ayaw ni babae. hihintayin daw nya ang kanyang residency.

"hindi, walang residency! go! go! i don't want you here! you go back to fiji!"

kukunin daw ni babae ang anak nya. ayaw ibigay ni lalaki. naririnig ko ng umiiyak si babae.

at naging tahimik ang kapaligiran. eh ihing-ihi na kaya ako noh? kaya lumabas ako. paglabas ko naman galing loo, nakasalubong ko si babae. patay-mali pa sya. "what happened?" tanong ko.

"what happened?" tanong din nya sa akin.

"what do you mean happened? i should be the one asking you that!"

pilit syang ngumingiti at nagpapatay-malisya. (as if naman ay hindi obvious ang kanilang sigawan at murahan kaya ano?)

at ayun na po. bumigay si babae. umiyak na sa akin. nakatago kami sa isang maliit na silid habang ang asawa naman nya ay nakahiga na yata sa kama. pabulong kung makipag-usap si babae. pinapabalik na daw sya ng asawa nya sa fiji.

babalik ka naman?

naisip na rin daw nyang bumalik. lagi na lamang daw ganoon tuwing sila'y mag-aaway. wala daw alam gawin ang asawa nya kundi palayasin sya tuwing sila'y nag-aaway.

mula raw ng tumatawag sya ng pulis tuwing sinasaktan sya ng asawa nya, yun daw ang naging gawi naman ng asawa nya, ang palayasin sya. noong hindi pa raw ako nakakalipat dito, pinalayas sya ng asawa nya. bitbit nya ang anak nya, wala syang pera, nagpalipas sila ng magdamag sa isang bus stop. karga-karga ang bata at may sapin lamang na blanket, dun natulog sa bus stop ang dalawa. dalawang mama daw ang pumaparada sa tapat nila at niyayaya syang sumama pero di raw sya sumama at natatakot sya.

bakit ka pa bumalik?

wala daw syang pera.

bakit wala kang pera? asan ang eftpos card mo? (ang eftpos card ay ang atm card)

kinuha raw ng asawa nya. kahit $10 daw ay di man lang sya binigyan.

puro pigil na iyak ang nakikita ko sa kanya at walang putol ang daloy ng luha. kahit may mga araw na naiinis ako sa kanya sa sobrang ingay nya at mabunganga sa anak na paslit at laging pinapalo ang bata, sa pagkakataong iyon, napalitan ng habag ang naramdaman ko sa kanya. ke liit na babae, binubugbog ng asawa, pinapalayas, walang kamag-anak, walang pera. saan nga sya makakarating nun?

"bakit kako di ka lumapit sa mga government agencies dito? baka may magawa sila sa iyo at malagay ka sa refugee status kung ganyan ang ginagawa sa yo ng asawa mo? tutal, may record naman sa pulis na binubugbog ka ng asawa mo?"

saan daw sya pupunta? wala daw syang pamasahe papunta dun sa mga opisina ng mga government agencies. kinuha raw ng asawa nya ang eftpos card nya.

sus me naman! naghahanap-buhay ka, bakit kailangan nyang kunin ang eftpos card mo? wala pa naman akong pera dito on hand. (mula kasi umpisa ng malaman ko ang features ng eftpos card, madalang ng magkaroon ng actual na pera ang pitaka ko. ultimo sari-sari store kasi rito ay pa-swipe-swipe na lang ang card mo kung ano man ang bibilhin mo. pati na kung mamalengke ka, pa-swipe-swipe na lang din ang card mo) di bale kako at maghahanap ako ng barya sa kwarto ko at ibibigay ko sa yo. nakalikom ako ng $3.50. ang pamasahe naman nya ay $2.60 lang balikan kaya kasya na yun. inabot ko sa kanya. pero di ko na nabalitaan kung sya ay nagtuloy.

minsan din daw na nagalit sa kanya asawa nya, kinaladkad daw sya papunta sa bathroom at dun ginulpe sa loob ng shower room. sus me!

accounted lahat ng asawa nya ang pera nya. pati payslips nya ay nirerekisa. pati bank account.

di ko naman maintindihan itong si lalaki kung bakit mag-aalburoto sya ng husto sa nawawalang NZ$70. kung tutuusin, hindi naman hiningi lang ng asawa nya ang perang yun. babayaran rin sa kanya ng asawa nya unti-unti. tanong ko sa babae, "so, you mean to say, he is upset because you took extra $70? then why don't you just shoulder the $70 instead?" nasa asawa nga raw nya ang eftpos card nya. at kapag ganyang pinapautang sya ng asawa nya, pinatutubuan sya ng interest na $200. anak ng kepweng namang asawa yun, oo! eh sobrang ganid na nga yata talaga sa pera ang lintak! asawa mo, pagtubuan mo pa? naman! bumbay nga ang linshak!

itong mag-asawa na ito ay magka-iba ng kultura. si lalaki ay isang indiano at si babae naman ay fijian. pansin ko dito kay lalaki, naging alipin na sya ng pera. nagkwento sya sa akin dati pa na noong maliliit pa raw sila, salat daw sila sa kahirapan. di raw sila nakakakain ng tatlong vezes isang araw. at ngayon, at pakiwari ko, noong nagka-mayroon na sya, naging ganid sya sa pera. ultimo pera ng asawa ay minamanipulate. tsk! tsk! tsk!

lunes, pag-uwi ko ng trabaho, tahimik ang kabahayan. hhmmm... wala na rin yata ang bata. wala na yata ang mag-ina. tahimik lang si lalaki.















































































kaso, ala una y media na ng umaga. antok na ako talaga. bukas na lang ha? babush!

Thursday, September 22, 2005

the chizmax

teka lang po ha? pasensya na sa mga mahilig sa chizmax! ang haba eh.. di ko natapos. memya po ulet pag-uwi ko galing work ha? babush!

Sunday, September 18, 2005

tama na! sobra na!

matagal-tagal din akong nagtiis. ako kasi yung taong sanay na mamuhay mag-isa. obvious naman siguro dahil nga sa edad ko na ito, mas sanay akong namamasyal na mag-isa, kumakain sa mga restawran na mag-isa. i know na masarap din ang may kasamang mga kaibigan at mahal sa buhay pero kung ang makakasama ko naman ay gaya nitong nanay ng flatmate ko, ay sus! di bale na lang na mag-isa ako habambuhay.

sabihin mo naman, ang ok naman neto! sus! eto, sampolan kita. marunong naman syang mag-inggles. hindi man lang marunong magpasintabi. yun bang magsabi man lang ng "excuse me". basta na lang bubuksan ang cupboard kung saan, andoon ako at nag-aayos ako ng lulutuin ko. minsan, may dudukwangin na lang, yung siko, tatama sa balikat ko. kahit na "im sorry", wala rin.

kung magsigamit ng kasilyas, nakupow! matatalo pa sila ng mga naninirahan sa liblib na baryo ng pinas. eto, ni hindi marunong magsipag-flush ng toilet. kahit ilang vezes mong sabihan, sige pa rin sila. iiwan na may patak-patak ang toilet seat.

hindi marunong kumatok. basta na lang na animo'y lumulusob sa giyera. walang katok-katok. ang sarap ng dagukan.

etong isa, medyo matindi na at biglang nasaid na ang aking pasensya. ako naman ay mabait kung sa mabait. ayan nga o.. kita mo ba ang halo sa ulo ko?

kahapon kasi, naglaba ako ng maaga at papasok ako sa trabaho. matapos nalabhan, sinampay sa sampayan sa labas. sige, balik ako sa kwarto ko. nag-ayos-ayos, at punta na sa bathroom para maligo. sa aktong ako'y magsi-sipilyo at humarap na sa bintana, ay sus! may isang pamilyar na tanawin na syang aking ikinagulat! bakit nasa may halamanan ang aking jersey na uniporme? (jersey tawag nila dito sa mga parang sweatshirts or cardigans. hindi po yung jersey para sa basketball) may mababang halamanan sa pagitan ng dalawang bahay na syang ginawang parang bakod. at andun, nakalatag na parang ikinula ang aking jersey na sa huling tanda ko ay nakasampay sya ng maayos sa sampayan. yung talikod ko na yun at labas sa kusina, tinanong ko ang aking flatmate kung bakit nakakula ang aking jersey. tiningnan nya. tinawag ang mga anak ng kanyang biyenan na syang nagsampay ng kanilang mga damit. tanong ako ng tanong kung bakit napunta dun ang aking jersey. ayaw sumagot nung bata. saan daw nya ilalagay. lalong nag-init ang ulo ko.

"where did you pull that out on the first place? and why did you pull it out? it was hanging nicely on the clothesline!!@#$#"

hindi ako makababa at wala ang sinelas ko sa may pintuan sa kusina.

"where's my slippers????"

sabi ng flatmate ko, baka daw ginamit ng kapatid ng asawa nya.

"i just used it when i hanged my clothes. where's my slippers????"

baka daw nasa harapan.

"then get it! why will it go there! i just leave my slippers here!"

tiningnan ng flatmate kong babae. wala daw. baka daw ginamit ng biyenan nya.

dun na sumilakbo ang aking bulkang mayon. ang damit mong sinampay, makita mong nakakula tas pati sinelas mo, tinangay???? helllooooooooooo??? sarap murahin isa-isa etong mga 'to. hindi naman din ako makalabas dahil lahat silang mga bata ay nakahara sa dadaanan ko. magsipasok na nga kayong lahat sa loob! poklay na yan!

pasukan ang mga bata. bumaba ako sa sampayan ng nakapaa, at pinaghahablot ang aking mga sinampay! grrrrrr!!! buset na buset ang byuti ng lola, ang aga-aga!

tapos na akong maligo ng marinig ko na dumating ang biyenan ng flatmate ko. sinasabi ng flatmate ko sa kanya na galit na galit ako at ikinuwento ang nangyari. ala lang. parang di sya apektado.

pag-uwi ko galing sa trabaho, sinabi sa akin ng flatmate kong lalaki na nakahanap na ng ibang flat ang nanay nya. last day na nila kahapon at di na matutulog dito ng gabing yun. buti naman. tinanong ko kung sinabi sa kanya ng asawa nya ang nangyari. oo daw. haaayyy!!! salamat naman po. let there be peace, ika nga.