tingnan mo nga naman oo... kapag naman po talaga ika'y suswertihin...
nung nakaraang biyernes, napag-utusan akong pumunta sa banko ng amo ko. at malapit lang dun sa banko na iyon yung dating pinagbilihan ko ng lotto kung saan ay chumama ako ng sandamukal na dolyares! sabi ko sa sarili ko, ahh... masubukan nga ulet at baka chumama ako ay mapagamot ko na inang ko.
nagdaan ang bolahan. nalimutan ko. kinalingguhan, tiningnan ko sa websayt ang resulta.
o-lats! talo ang aking tiket. di bale, sabi ko sa sarili ko. baka mas malaki pa riyan ang mapanalunan ko sa susunod. eh kaso po, di ko naman namalayan, nag exceed ako sa aking budget. deficit ako nung nakaraang linggo. nagpadala kasi ako ng pera sa aking inang. nasagad ko ang pinadala ko at ngayon, kuntodo tipid ang nangyari sa akin dito. di bale na. tutal, lingguhan naman ang sweldo. kaya martes ng gabi, ma-credit na sweldo ko. ang kaso, di nga ba ay ang tukmol kong GP ay pina-ikut-ikot ako kung saang ospital ako magpapa-xray? tas yung biyahe ko pa papunta sa clinic nya nung linggo? tas babalik pa ako sa kanya ng martes para sa resulta?
naku pow! para akong nakasakay sa taxi! panay ay tingin ko sa gauge ng gasolina. parang mauubos na sya! wag naman po! wag po, bayaw... este.. wag naman po sanang maubusan ako ng petrol! kaso, wala... kasubuan na ng lunes. alanganin na ako sa gasolina ko at malayo pa ang bibyahihin ko. nilinis ko muna bara ng lalamunan ko. *ehermmm*.... bossing? opo... bumale ako sa aking amo. ukinanam na yan! pakapalan na lang ng mukha kaysa naman itirik ako ng kotse sa kalsada gawa lang ng naubusan ng petrol. wala eh.. ganyan yata kapag ikaw ay ipinanganak na maralita. *hikbi* gagawin ang lahat para sa pamilya di baleng ikaw ang mahirapan. tanga ba ako?
ehehe... ayun na nga po. tinipid ko ang perang pinahiram sa akin ng amo ko. $15. sus! ang cheap ha? di ako nagpapakarga ng $15 lang. pero yan lang ang natitirang pera sa pitaka ng amo ko. swerte pa nga ako at may cash sya. bibili pa ako ng gamot. magbabayad ka pa sa doktor. magpapa-gas ka pa. aahahahahaha!! ano na? may matitira pa ba dyan? ala na noh? ready na ako sa dialogue ko sa clinic if ever. kasi, follow up check up lang yun. dapat, di nila ako singilin. kaso, gusto ko lang na ready ako if ever singilin ako kasi dati ay siningil ako kahit follow up check up lang. mag reklamo ka pa ba eh $10 lang naman ang singil nila.
paglabas ko, tinanong ko ang aking peyborit na receptionist. "do i need to pay?" check sya sa computer pero yung doctor na tumingin sa akin, sabi may bayad daw. pero sabi ni peyborit receptionist, ala raw. ahaayyyy!! thank goodness!
punta ako sa chemist. pabili nga po ng gamot! tatlong klase. meaning, $9 ang aking babayaran. cheap ko talaga! $9 lang, ala akong pambayad. ano ka? may natitira pa sa eftpos ko! tinawag ang pangalan ko at sinabi kung magkano babayaran ko. okies, sabi ko. "can i pay in eftpos $8? and ill give you $1. is that alright?" yes, shure! sabi naman ni tindera sa botika. o ha? dalawa na out sa problema ko. petrol na lang. masama titig ko sa gauge. aabot ba ako o aabot? sige, subukan. umabot pa naman. kaya inabot ko na ulit pabalik sa amo ko ang kanyang $15. hahahaah!! kakahiya! pero 'day! sa pinas ha? mahina ang loob ko kapag bumaba ng 500pesoses ang laman ng pitaka ko. kapag 100 pesoses na lang, mainit na ulo ko nun. pero dito, kita mo naman, barya-barya lang, you can go places. haayyyy tenk yu po Lord!
kaya kagabi, miyerkules, nakapag-pagasolina na ako. may iskedyul ako sa ospital kaninang umaga kaya minabuti ko ng magpakarga kaysa mag-alanganin na naman ako.
pero hindi yan ang totoong ikukwento ko po.
arekup!!ngayon lang, palabas na ako ng kwarto ko, may napansin akong redirect mail para sa akin. ano ba yung re-direct mail? yun yung halimbawa mo ay umalis ka sa dati mong tinutuluyan at lilipat ka ng ibang lugar. punta ka lang sa post office mo dati, fill up ka ng form at kapag may sumulat sa iyo sa old address mo, ipo-forward nila ang mails mo sa bago mong address. o ha? gara ano?
nung umalis ako kina bumbastik noon, di ko naasikaso yun. malas! tingin ko ay maraming sulat na itinapon na lang ni bumbastik. may hinanap nga ako minsan sa kanyang package mula sa isang kaibigan na nagpadala ng sarong. ala na. wala daw natatangap ang bumbastik na ito! tsee!!!
kaya nung minsang nagawi ako sa post office, sinubukan kong mag fill-up ng form for re-direct mail.
hhmmm... wala.. wala akong natatanggap. yung ibang resulta kasi ng gamot ko dapat ay may kopya ako na manggagaling din sa mail. wala rin akong natatanggap. at eto na nga po. pagkita ko sa sulat, galing sa insurance company ng kotse ko. hhmmm... ano kaya ito? wala akong makitang dahilan para ako'y kanilang sulatan dahil na-renew na nila ang aking kotse at binigyan na ako ng kopya. ating buksan. tenk yu daw, sabi nung insurance company. hhmmm.. teka lang.. ano ito?
ahoyy!! petrol voucher! nyahahahahahahah!!!! ang gara! nung na-renew ang aking vehicle insurance, bumaba na ang premium kasi wala akong claim nung isang taon. tas may pasingit pa silang petrol voucher! yahooooo!! ang gara!
(babaw ko talaga!)tenk yu po talaga, Lord, for these small graces!