<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, August 23, 2005

abortion ba ang kasagutan?

mayroon bang tinatawag na pagkakamali sa pagbubuntis? di ba ito'y isang malaking kahangalan lamang? noong bang sa bawa't indayog ng inyong mga katawan at pag-ungol sa sarap, hindi mo ba naisip ang magiging resulta? ngayong nabuntis ka, sasabihin mo na "it was a mistake"? ang sarap sampalin!

noong isang araw, itong flatmate kong lalaki ay nagtanung-tanong tungkol sa pagiging citizen kung ang bata ay ipapanganak sa nz. hindi ako nagtaka sa tanong nya pero pinalabas ko na nagtaka ako at gusto kong makakuha pa ng impormasyon.

di daw ba ay alam ko na buntis ang kanyang asawa. sinabi mo kako. pero hindi naman ibinabalita sa akin ng iyong asawa. dahil hindi daw sigurado kung itutuloy. balak daw ipalaglag. bakit nyo kako ipapalaglag? ginawa nyo yun at dapat alam nyo ang mangyayari. "it was a mistake". sarap dunggulin. but you can't correct a mistake with another mistake. hindi daw nila alam ang magiging resulta ng kanilang papeles. kung sakali man daw na bumalik sila sa fiji, hindi nila alam ang magiging buhay nila pagkatapos. hhmmm... mababaw.

tinanong nya ulet ang citizenship. kung daw bang ipanganak ang bata, kailangan daw ba nyang ikuha ng passport sa fiji. sa pagkakaalam ko, at sana ay hindi ako absent noong itinuro sa akin ng aking professor ang tungkol sa mga citzenships na yan, ang batang ipinanganak sa isang bansa na kung saan ay hindi naman citizen ang mga magulang ay magiging isang natural-born citizen. ano daw yun. hay nako! mega paliwanak ako at aywan naman kung naintindihan nya.

nung linggo ng gabi pagkagaling sa trabaho ni babae, walang abug-abog, tinanong ako ng buong lakas at may ngiti pa sa kanyag mga labi kung ano daw ang maipapayo ko. itutuloy daw ba nya ang kanyang pagpapalaglag sa sinapupunan. ibinigay ko sa kanya ang panig ko at ang nag-aabang na kasalanan sa kanyang gagawin. "it was a mistake" na naman ang narinig ko na tila inaral nilang mag-asawa ang sagot. ang haba ng paliwanag ko at umooo lamang sya na akala ko ay tanda ng pagliliwanag ng kanyang isip. araw daw ng lunes ang nakatakdang araw ng kanyang pagpapalaglag.

kinalunesan pag-uwi ko ng gabi, tinanong ko kung ano ang nangyari. ang hitad, buong ngiti na sinabing "i did it!"

"huh? what do you mean? you pushed thru with the abortion?"

"yahh.... i did it!" na tila baga kung ano lamang pangkaraniwang ginawa nya at buong ngiti na sumasagot.

"and you can even manage to laugh about it?"

"no, i cried earlier"

"oh my Lord..." nanlumo ako. ako ang nanlambot sa ginawa nya. nangilabot ako sa kanilang ginawa na parang umihi lang sya at voila! tapos na!

"im a bad person" sabi nya.

the whole night, tahimik lang ako. feeling ko, pati ako ay nagkasala. wala akong nagawa para maisalba ang isang inosenteng kaluluwa. the whole night, itong babae ay tila walang anu pa mang nangyari.

ganun na ba ang panahon ngayon? parang napakadali para sa kanila ang mag-desisyon ng abortion. parang ala lang. umire ng kaunti, at tuloy na ang ligaya.

hindi ko alam kung gaano kalalim ang "it was a mistake" na sinasabi nila. pero malakas ang pakiramdam ko, may itinatago si babae. siguradong kung may ginawa nga syang kalokohan dun sa imbestigador at nabuntis sya nito, lagot talaga sya kapag ang inilabas nya ay isang maputing bata. pero sapat na bang dahilan iyon para ipagpatuloy nya ang pag-a-abortion?

ang daming mga mag-asawa na gustong magkaanak na hindi magkaanak. eto, buhay pa sila, sinusunog na kaluluwa nila.

sana nga ay tama ang naging desisyon nila sa kanilang ginawa. but on second thought, may tama ba sa abortion? sa isang buwan na ang expiry ng kanilang visa. wala pa rin ang extension ng kanilang work permit.

kinausap na ako ng flatmate ko. if ever daw na sila'y babalik sa fiji, ako na daw ang magpatuloy sa pag-renta nitong flat dahil ang matandang may-ari ay nasa UK. kapag nagkataon, kahit papaano, mayroon na akong pwedeng mapatuloy na mga kaibigan na gustong bumisita sa nz pansamantala. o kaya ay yung mga bagong dating na mga kakilala. pero lahat ng iyan ay mangyayari, kapag will ni Lord.

Monday, August 22, 2005

ganun na nga ba kahirap ang buhay ngayon?

naisip ko lang. ganun na nga ba kahirap ng buhay ngayon?

halimbawa, papamiliin ka, ang matulog ka sa sasakyan araw-araw o bumalik ka sa bansa mo?

eto kasing nanay ng flatmate ko, hawak ay visitor's visa lang at malapit ng mag-expire sa isang buwan. natutulog sila sa sasakyan, karay-karay ang tatlong anak na may mga edad 7, 6 at 4 at may isang binatilyo na nagtatrabaho sa isa supermarket. wala silang matuluyang bahay at wala raw pambayad ng bond.

itong flatmate kong lalaki, hindi sila in good terms ng kanyang inang. minsan na dito tumutuloy ang nanay nya kasama ang mga kapatid sa pangalawang ama noong hindi pa ako nakakalipat pero binad-trip ni mother-in-law si flatmate kong babae, kaya ayun! pinalayas sila dis-oras ng gabi. ang taray na manugang!

mula noon, hindi na nakatungtong dito ang nanay at mga kapatid. nung minsang tumawag ang flatmate ko sa kanilang bansa, napag-alaman nya ang kalagayan ng ina. natunton naman at niyaya muli dito sa bahay. noong una, nahihiya pa siguro ang ina kaya sa gabi, sa sasakyan pa rin sila natutulog pero pagsapit ng liwanag, dun sila dumadaan sa flat at saka sila naglilinis ng kanilang mga sarili at kumakain.

may asawa itong nanay nya na taga nz. pero hiniwalayan sya nung nalamang buntis na naman sya sa pangatlong anak. sa unang asawa, lima na ang anak nitong nanay. very productive yata. aywan ko naman, sa hirap ng buhay sa bansa nila, ay kung bakit di nya naisipan na mag-control man lamang. sa pagdibosyo nila, sinusustentuhan lang nanay nya ng NZ$50 a week sa tatlong anak. inang kow!

alanganin pa nung una na magbigay ng tulong itong flatmate kong lalaki. numero uno raw kasing sinungaling nanay nya at mapag-gawa ng istorya. pwede raw syang tumulong in terms of food alang-alang sa mga kapatid nyang maliliit pa. pero nunca raw na mag-aabot sya ng pera sa kanyang ina. pinababalik na sa fiji, ayaw naman bumalik ng ina. wala rin daw na mangyayari sa kanila doon. wala naman daw silang bahay na aabutan. nangungupahan lang din sila. pero ano naman kaya lalo ang magiging buhay nya rito? kung saan-saang parking lot lang sila pumaparada para matulog. lalo na at ganitong kaylamig?

noong isang gabi, tinanong ako ng flatmate ko kung ok lang daw ba sa akin na patuluyin nya rito ang nanay nya pati na mga kapatid. although nakikini-kinita ko na riot ang mangyayari dahil sa super gulo ng mga bata, nasaan ba naman ang puso ko kung tumanggi ako kung sakali? sagot ko naman sa kanya, "nagtataka nga ako sa yo kung bakit di mo sila niyayayang dito matulog". i feel sorry for the kids. lalo na yung pinakamaliit. although 4 yrs old na yung maliit, eh sus me! super payat at mukha pang mas bata sa anak nitong flatmate ko na 2 yrs old. kung nga kami na nanunuluyan na sa isang bahay ay giniginaw din, what more sila na natutulog sa labas?

ayun! that evening, dito na natutulog ang mag-iina at tatlong bata. pwera ang isang kapatid na binatilyo na nagtatrabaho sa supermarket. not in good terms yata sila talagang mag-kapatid. ito kasing kapatid na binatilyo, nakarating sa nz gawa nitong flatmate ko. nabigyan ng job offer mula sa pinagtatrabahuhan ng aking flatmate kaya mula sa fiji, residence permit na agad ang kanyang hawak. ilang buwan lang nagtrabaho sa kumpanyang pinapasukan rin ng aking flatmate, ayun! nag-disappearing act ang lekat. hiyang-hiya ang flatmate ko sa kanilang employer. kaya ganun na lang kalaki ang galit ni flatmate sa kanyang kapatid. kaya ayun! sukdulang matulog sya sa sasakyan, di nagpapakita itong binatilyo sa flatmate ko. haaayyy!!!

yan yata ang literal na tinatawag na NPA (no permament address). i wonder how he applied in the supermarket ang what address he put in his application form. ehehehe... noong araw kapag nag-a-outing kami, naranasan ko na ang matulog sa van. pero sus mio! isang gabi lang yun ha? mahirap rin kasi hindi mo maiunat ang mga legs mo. eh etong mga ito, matagal-tagal rin silang natutulog sa sasakyan. ganon na nga ba kahirap ang buhay?

Wednesday, August 10, 2005

pondahan nasuspinde!!!

bwehehehehehe....

ackshually, di lang naman po ako. ang buong pansitan.

baka po nalingat lang si ina magenta at may nalimutan. abang-abang na lang po tayo at baka bumalik na rin sa regular viewing.

pansamantala, dito na po muna tayo magkita-kita, ang aking sanlibu't-nag-iisang reader ng aking pondahan.

basta't nawala po ako sa pondahan, alam nyo na kung saan ako matatagpuan. dito sa aking hide-awey! yehey!!!!

o sya! kakauwi ko lamang galing trabaho. magluluto muna ako ng aking hapunan at mag-aalas otso y media na dine ng gabi. nag-aaway na aking small and large intestines. hayaan nyo, habang nagluluto ako, pag-aawayin ko muna ang mag-asawa para may mai-blog ako noh? bwahahahahaha!!!

Tuesday, August 02, 2005

sa lahat ng buntis

... etong flatmate ko ang tipong itinatago talaga sa akin ang pagbubuntis nya. bakit kaya? dahil alam nya na marunong ako sa mathematics?

sa mga nakasama ko sa trabaho na mga buntis, lahat sila ay tila proud na proud sa kanilang dinadalang bola at ako pa nga ay iniinggit nila na mag-asawa na para ako raw ay maranasan ko na ang pagbubuntis. andyang araw-araw sa ginawa ng Diyos, wala ng kinuwento kung mga karanasan nila sa pagbubuntis. pati ang kanilang morning sickness, mga gustong kainin, at mga pagkukumpara ng kanilang pagbubuntis sa pangalawang vezes kumpara sa una nilang pagbubuntis.

pero hindi itong flatmate ko.

nakakaduda talaga.

tsk! tsk! tsk! tsk!

bakit kaya?

may itinatago nga bang milagro etong isang ito?

tingin kaya nya, paglabas ng anak nya at lumabas ng super puti at blonde ang buhok, asa pa kaya sya na maitago nya lahat?

hhmmmmm.....

kanina kasi habang nag-aayos ako ng hapunan ko, nagsusulat si lalaki sa hapag kainan. nagpi-fill-up sya ng mga immigration forms habang ang babae ay nakaupo naman sa kabilang side ng mesa.

tinanong ko kung para saan ang ginagawa niya. application daw for extension ng work permit. mag-e-expire na daw kasi ang work permit eh gang ngayon nga, wala pa ang resulta ng kanilang PR.

may portion yata dun na may tanong kung ang aplikante ay buntis at kung ang sagot mo ay oo, kung ilang buwan ka na buntis.

tinanong ni lalaki si babae sa kanilang wika kung ilang buwan na syang buntis. tila nagmistulang tigre si babae at nagalit dahil nagtatanong ng ganun sa harap ko. kumontra sigaw si lalaki. "why???"

"two".

"arghh!" pagalit na sagot ni lalaki.

"three! ... three and a half"

akala yata nila ay mahina ako sa mathematics. eh na-getching ko naman agad ang pinag-uusapan nila.

tas sabi ulet ng babae, "two and a half".

mabibilis na mga sagot ni babae at pagalit nga.

sabi naman ni lalaki, "what's your problem, meyn?" (slang kasi eh)

ninuninuninuninuninuninu.......


kailan ulet dumating yung imbestigador?

may 19.

anong araw na ngayon?

a-dos ng agosto. (lapit na bertdey ko... yipeeeeeee!!! regalo ko ha? ehehehe...)

ninuninuninuninuninuninu.......


compute! compute! compute!



and to think, ang takaw-takaw na nitong babaeng ito at tila ako pa yata ang pinaglilihihan ng lintek! habang kumakain ako ng hapunan ko, aliw na aliw syang pinapanood ako. ukinanam! ka-swerteng baby kapag nagkataon!

at sa pagiging matakaw nya, wala syang bukambibig na ang taba na daw nya. tingnan natin kung hanggang kailan nya balak na itago sa akin ang kanyang malaking sikreto!