<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, January 21, 2006

bulag nga ba ang pag-ebeg?

o tanga?



isang gabi na nawala ang aking flatmate na lalaki. pansamantalang nag-star muna sya sa kanyang amo.

at sa unang gabi na iyon, tumawag si babae sa flat. hinahanap ang asawa. wala kako. tila ayaw maniwala. kinukulit ako na ibigay ang telepano sa asawa.

"hoy babae! sinabi ko na sa iyong wala dito ang asawa mo. kung andito sya, kanina ko pa ibinigay ang telepano. ano ba ang nangyayari? bakit bigla ka na lang umalis?"

"wala.. andito lang ako sa wellington"

"sinungaling! nakikita ko ang numero ng ginagamit mong telepano!"

sabay tawa ni babae at di makapaniwala. nasa fiji nga raw silang mag-ina.

"bakit pati pera ng asawa mo ay tinangay mo? nakakaawa ang itsura ng asawa mo ngayon! sinagad mo ang pera at ngayon ay puro utang ang iniwan mo sa kanya!"

"am i in trouble, auntie? can you please tell him to ring me here in the motel?"

sa loob-loob ko, ang kapal talaga ng babaeng ito! "ano kamo? inubos mo ang pera ng asawa mo, ngayon, gusto mo sya pa mag overseas call sa iyo? ano ipambabayad nya sa iyo? bakit di mo tawagan sa celfone nya? silly witch!" bansag sa kanya ng asawa nya ay silly witch kaya naki-silly witch na rin akow.

o sige raw. tatawagan daw nya sa mobile. kapal talaga nitong babaeng ito.

kinabukasan ko na nakita si flatmate na lalaki.

nag-uusap kami sa pangyayari ng nag-ring ang phone. takbo si lalaki at sinagot ang phone.

habang nagluluto ako, palaki ng palaki naman ang tenga ko para makarinig ng bagong update. at sa mga naririnig ko, pataas ng pataas ang kilay ko... umabot na sa kisame ng bahay.

sabi ni lalaki, "you get a house. you buy decent furnitures. find yourself a job, and ask your mom to look after the baby. and ill send you money weekly"

ha? ano raw?????

"of course i will do that. you're my wife. i love you. it's you who don't love me."

tokneneng! ano nangyayari?

"don't cry. listen to me. we can't do anything now. you can't come back here. just make sure you don't meet the other guy. you look after the baby well, ok?"

at sa haba pa ng kanilang pag-uusap, ibinaba na ni flatmate ang telepano at balik sa dining table kung saan nya ako iniwan. nakatingin ako sa kanya sabay na nakataas ang kilay at tila nag-aabang ng paliwanag.

nakatingin din sya sa akin at tila inaantay nya akong magsalita.

"what, beth?"

"what is going on?????^%%$"

sa pagsakay na pagsakay sa eroplano ng hitad, doon lang daw na-realize na mali ang kanyang ginawa. sus! may konsensya pa naman pala. nag-iiiyak. at mula sa airport patungo sa kanyang paroroonan na halos tatlong oras ang biyahe, nagtanong-tanong sya sa taxi driver kung kamusta ang fiji. ilang araw lang bago sya umalis patungong fiji ay nagkaroon ng failed coup attempt sa kanilang gobyerno. magulo ang fiji sa ngayon. eka sa kanya ng taxi driver, "naku, mam! maswerte kayo at nasa new zealand na kayo". ang hindi alam ng taxi driver, wala ng "k" na bumalik si hitad sa nz dahil expired na ang kanilang work permit at ano pa mang mga visa.

isosoli raw ang perang kinupit na umabot ng halagang NZ$28,000. ang BMW ay hindi natuloy na makaalis patungong fiji dahil kinakailangang bayaran ang NZ$12,400 na customs duties. hahahaha!! binili nila ng NZ$10,500. ngayon, mas malaki pa ang tax na babayaran para maipadala sa fiji. kaya na-intercept ni flatmate na lalaki ang kotse. kung ako sa kanya, dapat ay ibinenta na lang nya ang kotse sa kahit na saang caryard dealers dito kahit na baratin pa sya. at least, naging pera nya sana. ehehehe...

paliwanag sa akin ni flatmate, kasalanan daw nya lahat kung bakit sya iniwan ng kanyang asawa. binubugbog daw nya kasi ito. kahit daw noong wala pa ako sa flat na ito, kahit daw walang kapararakang bagay ay kanya itong binubugbog. ang mga nakikita ko raw ay mahinang klaseng bugbog pa raw iyon. tsk! tsk! tsk! tsk!

andun na ako. pero kaya mo naman sya nabubugbog ay dahil kagagawan din naman nya? sya mismo ang gumagawa ng mga bagay na iyong ikinagagalit.

"hanggang kailan mo sya patatawarin? una, noong nalaman mo na naki-apid sya. pangalawa, nag-pa-abort sya sa pagbubuntis gawa ng ibang lalaki na ipinaniwala nya sa iyo na sa iyo ang bata. ngayon, basta lang sya lumayas karay ang anak mo na walang sabi-sabi. kung sa aming mga pilipino nangyari yan, sa unang pagkakamali pa lang ng babae ay tapos na sya. pero ikaw, matapos mo syang matanggap muli sa ginawa nyang pakiki-apid, eto na naman. at malakas ang kutob ko, hindi nag-materialize ang kanyang unang plano kaya eto na naman sya dahil alam nya na patatawarin mo sya ulit. mag-iwan ka naman ng konting respeto para sa sarili mo. pinapaikot ka ng asawa mo sa kanyang mga palad. sino ang makakaisip na aalis sya? lately ay okay kayong dalawa. hindi kayo nag-aaway. iyon pala ay may plano na syang ganito."

oo nga raw. nung martes ng umaga pa nga raw na iyon ay maagang bumangon si babae at ipinaghanda pa raw ng almusal si flatmate. alas saiz lang kasi ng umaga ay pumapasok na sa trabaho si lalaki. nagulat nga raw sya at may almusal na nag-aabang. hhmmm... ano yun? parang last supper?

hindi raw nya kayang mawala sa kanya ang kanyang anak. (parang totoo eh kung sipa-sipain nya ang batang paslit at kung paano na lang palui. sabi ko nga sa bata na iuuwi ko na lang sya sa pilipinas. payag naman ang lekat.)

howell... habang nakasalang na sa ombudsman ang kaso nila tungkol sa attempted rape, at sa pag-aapila ng kanilang work permit at ang hanggang ngayong walang katiyakan at kasagutan sa kanilang PR, si flatmate ay nag-iisip na ring bumalik sa fiji dahil may nakatago pa syang hidden wealth (in other words, yung ibang kinupit sa kumpanya) doon na baka raw may binabalak pa ang kanyang asawa ng hindi maganda. at! kapag nangyari iyon, sya rin mismo ay di na makababalik pa sa nz.

meaning.... masosolo ko na nag flat na itow. haaaaayyy!!! kaka-miss din na ingay ng mag-ina!

Thursday, January 19, 2006

tuso man daw ang matsing

napaglalalangan din!

note: dahil sa ka-bobingan, ang ke-haba-haba kong wento ay nawala sa alapaap. kaya eto, compose ako ulet ng wento-wento sa paglalayas ni kulasa.



yan ang bagay na bagay na kasabihan para sa aking flatmate na lalaki.

ang nangyari? tumakas si babae, tangay ang mahigit dalawang taong anak, matapos na sagarin sa pag withdraw ng pera sa banko, pati pagsagad sa cash advance sa credit card kasama na pati ang BMW at tinangay patungong fiji.

kawawang lalaki. naiwang mag-isa kasama na ang mga utang.

sabi ko na nga ba. ang perang hindi mo pinaghirapan, madali lang din na mawala. ano ba ang perang iyon?

ito kasing si lalaki, bago pa lamang dito noon sa nz, may nag-offer sa kanya na maging isang direktor ng kumpanya... sa papel lang naman. dito kasi, kapag ang kumpanya mo ay na-bangkarote dahil sa hindi mo pagbabayad ng buwis, hindi ka pwedeng makapagtayo ng panibagong kumpanya at hindi ka rin pwedeng mag-open ng account sa ano mang banko sa loob ng tatlong taon (sabi da)

at dahil si flatmate ay direktor, sya ngayon ang hinahabol ng kabaranggayan ng mga buwis. at dahil sa takot na baka ma-bangkarote ulet ang kumpanya at pangalan nya ang nakataya at hindi na sya maaaring makapagtayo ng sarili nyang kumpanya, gumawa sya ng paraan para isaayos ang mga libro ng kumpanya. nalaman ng totoong may-ari na nagkukubli sa dilim at pinigilan si flatmate sa anumang kanyang pinaplano. hayaan na raw maghabol ang IRD at yun naman daw ang kanilang trabaho. pinagre-resign na lang sya bilang direktor para hindi na raw sya kabahan.

isang araw bago sya tuluyang mag-resign sa kumpanya, nangupit si flatmate ng napakalaking halaga sa kumpanya. he calls it "compensation". compensation kuning na walang approval ng mga shareholders. ayus!

eto na po ang totoong may-ari. hinahabol ang perang kanyang kinupit. ayaw ibigay ni flatmate. compensation nya raw iyon. (kapal!) ayaw pumayag ng totoong may-ari at hindi naman daw pwede ang gayong kalaking halaga. may pumapadrino sa kanilang dalawa. at iisa ang payo sa aking flatmate ng mga nakakatanda. isoli ang pera. gayun din ang payo ko sa kanya. bakit ba kako ayaw mong bitawan ang pera? paano na raw sila kung kinakailangan na nilang bumalik sa fiji? bakit kako? nung dumating ka naman dito sa nz, wala ka naman ding pera. at kung sakali namang madala mo yan sa fiji, tingin mo ba ay aasenso ang buhay mo sa perang hindi naman talaga laan para sa iyo?

ayaw makinig. ayan tuloy! kaliwa't kanan pati na ang gitna ay abut-abot ang mga kamalasan nya sa buhay.

natatandaan ko pa nung minsan kaming nag-usap tungkol sa isang article sa dyaryo. pinagtatawanan nya yung lalaki sa artikulo dahil nabisto raw na fake lang ang pagkamatay. at naisingit ko nga yung relevance ng artikulo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay nya.

"it's because his wife betrayed him"

bakit daw.

kung di sya kako sinumbong ng kanyang asawa, di pa rin malalaman na buhay sya.

sabay sundot ko ng, "what if your wife betrays you?" (eto na yung time na naki-apid ang asawa nya ng wala syang kaalam-alam)

tinawanan ba naman ako? paano daw iyon magagawa sa kanya ng kanyang asawa. sya pa raw ang maaaring gumawa ng kalokohan sa kanyang asawa pero nunca na ang kanyang asawa.

"hay naku! ang tange-tange mo!" bulong ko sa sarili.

eto ngayon ang naging kapalit ng kanyang pagmamahal sa asawa. matapos na maki-apid sa ibang lalaki si babae, tinanggap ng buong-buo ni flatmate kong lalaki itong kanyang makating asawa. sa kabila ng kanyang pag-tanggap sa malaking kasalanan ng asawa, at matapos na malaman nya na ang ipinagbuntis pala noon at pina-abort ang walang malay na binhi ay gawa ng kanyang kulasisi, eto, itinakas ang perang at si BMW!

pero sabi naman nila, ang pag-ibig daw ay bulag. inangkupu!!! mayroon pa palang ganitong klaseng lalaki sa mundo.




at dyan po natin itutuloy ang istorya

Tuesday, January 17, 2006

alsa balutan?

note: ayaw pumasok ang post ko sa pondahan kaya dito na lang.





hhmmm... tila may nagaganap na pangyayari sa flat na ito na hindi ako updated. it's either im so busy with my job or im so busy blogging? alin sa dalawa?

nung nakaraang linggo, habang nakahiga na si lalaking flatmate, bumubulung-bulong si babae at nagsa-sign language na nagkukukumpas-kumpas. ano yun? bumubuka ang bibig at sumesenyas. ano ulet? next week daw ay aalis na sya. saan ka kako pupunta. sumenyas sya ulit. di ko naman pinansin at normal na kasi sa kanila ang magsinungaling. tas sabi nya ulet, "hinde... ginugudtaym lang kita". ahh... okey.

kanina, as usual, maagang umalis si lalaki sa trabaho. alas saiz pa lang. ang pasok ni babae ay alas quatro ng hapon. naunahan pa akong magbanyo. naligo at nagtelepano. sige lang. papektik-pektik naman ako sa harap ng computer at inaantok pa nga ako.

maya-maya, naulinigan ko na tumawag na sya ng taxi. di nagtagal, dating naman si taxi. binuksan ni babae ang pinto ng taxi, isinara at umakyat ng bahay. ang taxi, umatras papalabas ng driveway at ipinarada sa tabing daan ang kanyang taxi.

binuksan ni babae ang carport. nag-usap ang dalawa sa carport. maya-maya, lumabas si BMW. aha! si taxi driver ang magda-drive ng BMW. saan sila pupunta? bihis na bihis si babae.

check ako ng kabahayan. may unti-unti ng mga gamit ang nawawala sa ibabaw ng dresser. hinanap ko ang maleta. andun naman. nag check ako ng isang drawer sa dresser. tila walang laman. hhmmmm....

ngayong pag-uwi ko, alas nueve na ng gabi, madilim ang kabahayan. wala sila pareho. dati-rati, kapag umaalis sila, iniiwan nilang bukas ang ilaw sa may kusina. kanina, patay lahat ng ilaw. meaning, maaga pa lang ay wala ng tao ang kabahayan.

naghahanap ako ng bakas na sila ay nadispatsa na ng kabaranggayan ng mga migrante. hhmmm.... may phone directory sa ibabaw ng mesa. yun lang ang nagbago. tingin ako sa pinakasala. may nagbago. wala na ang maleta.





abangan...

Wednesday, January 11, 2006

tenk yu, tenk yu!

okidoks! since down ang pansitan, eto na naman ako at dito muna ako magtatago. kung kailan pa naman nasa mood akong mag-post. ang tagal ko na pala ring hindi naa-update itong blog ko na ito. wawa naman.

maraming salamat din po sa mga matiyagang sumisilip-silip dito sa pinaysanz. tsaka dun sa mga nag-iiwan ng messages sa shoutbox. ewan ko ba, kapag sumasagot na ako, nagha-hang sya. kasuya.

dito ko na lang sagutin yung ibang di ko pa nasasagot:

para kay carol: "...kiws kwento mo nman ang love of ur layp nman jan"

ay nako, sistah! ang aking labopmaylayp ay mahiyain sa limelight! camera shy ba. ehehehe....


para kay Susan: "..ano ang email address mo? gusto kitang batiin ng Blessed Christmas!!"

Susan, pasensya ka na kung medyo late response ako. tapos na Christmas. ehehehe.. sorry talaga. but you can email me at pondahan_nz at yahoo dot com.


para kay nikki: "...happy new year po mam kiwi! all the best for you this coming 2006. God bless!"

thanks, nikki. happy new year din sa iyo. :)


para kay germz: "...wee.sa dinaluphan ako tumira ng 7 yrs op my life.san kau dun..sto nino ako dati."

hahaha!! small world. magkapitbahay tayo. sa san jose kami. :)


for mossimo: "...hey i also have a problem like kiwipinay i also want to do the same way"

hi mossimo. what is that problem you are referring to? i can't answer thru my shoutbox coz everytime i post, it hangs. let me know, aye?

Tuesday, January 03, 2006

Cheers, mate!

Happy New Year to all!!!!