<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, December 31, 2004

yeheyyyyyy!!!!

up na po ang aming pansitan.

at ako po ay magbabalik na muli sa aking pondahan.

see you there!!!!

don't know what to say

it breaks my heart to hear, see, and read all these stories about the southeast tsunami disaster. and to think that we have to end 2004 with this. then i read another flash flood in the Philippines. what is happening?

it's my 5th day being alone. while watching the cnn news, i simply couldn't control myself and break down with all those mass graves that they're doing. with all those unselfish volunteer acts and donations coming left and right from different parts of the world while another war and bombings continue in another side of the world. are these part of what was written in the Book of Revelations? it indeed makes me shiver. we really do not know when it will happen to us. and when that happens, do you think you are ready to face death? moreso, the Lord?

the weather is nice outside. and my friend sybells told me she's picking me up anytime to celebrate new year's eve with them. it's a bit in contrast to what is happening in the southeast.

i won't say anymore happy new year. instead, may everyone have a better new year ahead of us. ill see you when i see you.

inside somaliland

I wonder what could have happened to our fellow pinay blogger in Somalia, A Taste of Africa. She still hasn't updated her blog and Somalia was also hit by Sunday's tsunami. Let's all hope and pray that we get news from her that she's okay.

Thursday, December 30, 2004

still something to think about

despite thousands and thousands of people who died in the tsunamis, how come there are no reports nor photos of animals that perished in these tsunamis?

what truth does it have that animals have sixth sense?

all my bags are packed

im ready to go...

kaso lang, barely 2 hours before akong masundo, tumawag na ang kaibigan ko. di na ako masusunod. *hikbi*

sama kasi ng panahon. pareho pa naman kaming bano sa pagmamaneho. foggy daw sa lugar nila. makulimlim dito at malakas ang hangin.

well.. i think im really destined to be alone this whole holiday season. mukha ring walang tao sa kapitbahay namin. kahapon pa madilim sa kanila.

ano pa kaya ang pwedeng magawa? malapit na akong mabuwang.

and the countdown begins..

malapit na.

malapit nang matapos ang 2004.

ilang oras na lang din, malapit na akong sunduin ng kaibigan ko para sa kanila mag spend ng new year's eve.

tila may nagbabantang bagyo dito sa nz. ang dilim ng kapaligiran. manaka-nakang umuulan. nakakayamot ang panahon. ang sarap matulog. malamig. parang hindi summer. hindi ganito ang summer na inabutan ko may dalawang taon na ang nakakaraan.

parang gusto ko pa ring mapag-isa. kapag hindi ako nagpasundo ngayon, siguradong mag-isa akong maghahapi new year nito. darating na bukas ang mga pina-ship na mga gamit ni sybells mula dubai kaya hindi na sya makakalabas ng bahay at ihahatid na sa bahay nila ang mga gamit niya.

it's now or never. di pa ako nakakapag empake. gusto ko pa ring matulog at mamaluktot. ang sakit ng ulo ko. super! arghhh!!!!

Wednesday, December 29, 2004

day 3

matatapos na rin ang pangatlong araw ng aking pag-iisa.

so far, so good.

as usual, sinet ko ang alarm ng kabahayan just in case mapasarap ako sa tulog. pagdilat ng mga mata ko, umaga na ulit. 6:30am. ang aga. sa sobrang aga, natulog ako ulit bandang alas otso ng umaga. haaayyy!!! ang sarap ng buhay ng ganito. tuloy lang ang sweldo mo, wala kang ginagawa. papektik-pektik lang. wala kang iniintinding masungit na kasama sa buhay. sandali ko ring nakakalimutan ang mga pangyayari. pero hindi ko pa rin maiwasan na paminsan-minsan ay natutulala ako at hinihimay-himay ang kahapon. kung bakit nangyari ang ganito. ano ang nagawa ko.

matapos na nagpasikat ang haring araw ng mga ilang araw nitong mga nakaraang araw, (parang ang gulo. syempre sa araw sya lalabas di ba?), eto at makulimlim at nag-uuulan. malakas ang ihip ng hangin. tila baga nakikilungkot ang kalangitan sa mga nagdaang sakuna sa ilang parte ng southeast asia.

nakakalungkot isipin. sa isang iglap, ilang sakuna ang naganap. ilang buhay ang nawala. malapit na nga bang magunaw ang mundo? ayaw kong isipin. nakakapangilabot.

i wonder kung lalong natakot si bumbastik sa kanyang biyahe sa vanuatu. ito pa namang lugar na pinuntahan nya ay mga grupo ng mga islands at yung hotel daw nya ay tapat na ng dagat. siguro ay nabalitaan na nya ang nangyaring tsunamis. baka lalong natakot ang lekat.

bukas, dadaanan na ako ni sybells para doon sa kanila maki celebrate ng happy new year. parang ayaw ko na gusto ko. bahala na si batman.

tsunami news, updates, aids, donations, etc.

if you want to get updates about the recent earthquake and tsunami disasters, you can go here:

The South-East Asia Earthquake and Tsunami

when it rains, it pours

and when it pours, it pours real hard, baby!

oh yeah... but im not talking about the tsunami thing. it makes me shiver. sunud-sunod sila. earthquake, tsunamis? kakatapos lang ng nangyari sa pinas. eto at sa sri lanka naman at kung saan-saan pang parte ng mundo. ano pa? ano pa kaya ang isusunod? ayoko nang isipin pa. kung babalikan mo lang ang mga sinasaad sa banal na bibliya, kikilabutan ka sa mga kasalukuyang nagaganap.

enough said. sa buhay ko, lately ay sunud-sunod na rin ang mga unos na nagaganap. pero sa titindi ng mga pinagdaanan ko, gusto kong isipin na minamani ko na lang dapat ang mga ito. pero ako'y isang magandang tao lamang. marunong rin masaktan. kahit na ilang vezes na akong nadapa. babangon at babangon ako ulit para muling madapa. pero sa bawa't pagkakadapa ko, ilang peklat na ba ang naghilom at naging sugat ulit? at muling naghilom? at nasugatan na muli? ahhh.... wala akong kadala-dala. ang dami ko ng peklat!

ang paskong ito ang masasabi kong my not-so-nice cold christmas. bakit kamo? problema sa amin sa pinas. problemang naiwan ng tatay ko. problema ng kapatid ko. problema ko sa inang ko. problema ko sa trabaho ko. problema ko sa health ko. problema ko sa lecheng puso ko.

wala na. wala na yata akong hinihintay. sobra na yata ang aking pagiging tanga sa larangan ng pag-ebeg. ilang buwan ako naghintay. tatlo. tatlong umaatikabong buwan. sari-saring palusot ang narinig ko. na syang pinaniwalaan ko. ang buhay talaga ay punung-puno ng mga pagbabalat-kayo ng mga tao. dapat sa kanya ay nag-artista na lang at hindi na nagtrabaho sa saudi. sinasabi ko na nga ba na hindi ako dapat nagpapaniwala sa katagang "busy". dahil ang lecheng busy na yan, hindi mauubos yan. you know that you can still find time for yourself. and when that time comes, hindi mo ba mailalaan ang kahit kaunting oras mo sa iyong minamahal? yun ay kung mahal mo nga. busy rin ako. but i can find time for you. pero ngayong pasko, naghangad ako ng tawag mo. nagdaan ang bisperas ng pasko. wala. nagdaan ang araw mismo ng pasko, wala. sige na nga. mukhang nagtitipid sa phone call. ako na nga ang tatawag. naubos na yata ng pautay-utay ang phone card ko ng wala na yata akong tinatawagan. tila putol na ang iyong celfone. pati telepono mo sa trabaho ay hindi ko malaman kung ayaw mo lang sagutin o wala ka nga doon. tawag ako sa isang numero. tila hindi ka kilala ng nakasagot gayong dati na kitang nakausap sa number na iyon. ano ba ang nangyayari? natapos ang buong maghapon, naging sawi ang lahat ng ginawa ko.

at isa lang ang aking naging konklusyon. wala na. wala ka na. at isa lang ang ibig sabihin rin niyon. wala ng kasalang magaganap sa july. ang galing mong tumayming! itinaon mo pang pasko. pero sige. ok lang. sa esep-esep ko, di ko hinangad na magkaroon ng asawa ng walang bayag. ang hindi magawang sabihin ang nasa sa loob nya. ang naduduwag na humarap sa katotohanan. bakit nga ba ganoon ang mga lalaki? kapag sinusuyo ka, lahat na lang ng mga palamuting pananalita ay maririnig mo. pero sa oras na gusto na nilang kumalas, ni hindi marunong magsabi man lang o magpaalam? basta na lang nangawawala. kung anu-ano ang mga dinadahilan. mahirap bang sabihing ayaw mo na?

ayaw ko ng maging dagdag ka pa sa mga iniisip ko. like what ive said before, simple lang ang panuntunan ko sa buhay. kung ayaw mo, wag mo. kung hindi mo nagawang magkaroon ng bayag na kausapin ako sa pagbabago mo ng isip, wala akong panahon. there's no point of crying over something not worth crying. marami na akong nailuha nitong nagdaang kapaskuhan. wag ka ng maging padagdag pa. i still stand on my belief about karma.

at para namang ang bilis ng super powers ni Lord pagdating sa ka-puso-an. nagpadala agad ng kapalit. tsk! tsk! tsk! i dated someone last sunday! the longest time ever! 13 long hours! whew! napagod ako. he's the sweetest guy i have ever known. well... lahat naman ng mga lalaki, sa umpisa ay puro sweet. what's new? pinakilala sya sa akin ng kaeskwela ko noong high school. i took her word about him. "he's a nice guy", she said. "too nice that i might get bored." hhmmm... let's see. i tried it. and we clicked. and he said he just found the girl of his dreams. and that's me. lufet!

we're into two different time zones. 21 hours apart. and we dated online. kala nyo in person na ano? let's see what will happen next. hindi pa hilom ang sugat ko. but im not scared to give it a try..... again.

Tuesday, December 28, 2004

day 2

this is my second day of being alone in this big house.

so far, so good.

mula pa noong bisperas ng pasko, nayayaya na ako ng aking mga piling-piling mga kaibigang pinoy na doon na sa kanila maki-pasko. gawa na rin ng mga nangyayaring hindi maganda sa amin sa pinas, minabuti ko na lang na hindi na sumama at magpirmi na lang dito sa aking kwarto. sa tingin ko kasi ay hindi rin naman ako magiging masaya kung ang isip ko naman ay nasa pamilya ko. bahala na sila kung sila ay nagsasaya at ako ay nalimutan na nilang nag-iisa dito at malungkot. basta't masaya sila, ok na rin yun sa akin.

nagagawa ko lahat ng gusto ko habang wala si bumbay. sarili ko ang buong kabahayan. nakakapaglakad ako ng naka panty lang dito sa loob ng bahay. nangungubeta ako ng hindi na nagla-lock ng pinto. tinatambak ko na lang muna ang mga hugasin sa lababo at inaapuntahan ako ng katam. (katamaran)

nood ako ng tv sa kwarto ko. pag nagsawa, labas ako at doon naman ako sa lounge ni bumbay manonood. nakakapanood ako sa lounge habang kumakain ng pananghalian o hapunan o kahit na ano.

marami akong nalabhan kahapon. ang ganda ng araw. tirik na tirik ang sikat ng araw na tila nagdahilan lang ang mga nagdaang araw na parating umuulan.

unang gabi ko, iniwan kong bukas ang ilaw sa hallway sa magdamag. minabuti ko na lang na i-set ang alarm ng buong kabahayan sa magdamag. itong kwarto ko lang naman ang walang alarm kaya kahit na mag-gagalaw ako dito sa loob ay ok lang. huwag ko lang na makalimutang naka on ang alarm kung magising ako sa dis-oras ng gabi at pumunta ng cr.

iniwan ko ring bukas ang ilaw ng kwarto ko. pagdilat ng mga mata ko, nakasikat na ang haring araw. haaayyy!!! naka-survive ako sa buong magdamag. tinawagan ako ni sybells at tinatanong kung anong oras daw nya ako susunduin sa martes. (ngayon na nga iyon) parang feel ko pa ring magsolo flight. marami pa akong gustong gawin na hindi ko pa nagagawa.

kahapon, dumaan ang ex-wife ni bumbastik. pakakainin sana ang alagang pusa ni bumbay. sabi ko ay napakain ko na. ok rin itong dalawang ito. matagal na silang hiwalay ni bumbastik pero nanatili silang magkaibigan. kapag may problema si ex-wife sa kanyang mga bagong kalalakihan, si bumbay ang hinihinangahan nya ng sama ng loob. kahapon, nakipagkwentuhan si ex-wife sa akin. sya ang naghatid kay bumbastik sa airport. at doon ko nalaman. sa pag-aastang astig ni bumbastik eh may tinatago pala itong katangian. natatakot daw palang sumakay si bumbastik ng eroplano. natatakot daw kahapon pagsapit sa airport. gusto kong bumunghalit ng tawa. lekat na yan. tatapang-tapang sa bahay at sisiga-siga eh duwag pala ang lekat. sabi ni ex-wife, matagal na daw na hindi sumakay ng eroplano si bumbay. may 25 taon na daw. ahahahahaha!!!! ano ba yun? matatakutin pala itong si bumbay.

alas tres na ng umaga akong nakatulog kanina. alas siete ng umaga, gising na ako. ano ba yun? ang aga. pagdilat ng mga mata ko. tirik na tirik na ulit ang sikat ng araw. haaayyy!!! naka-survive ulit ako.

rubbish day ngayon. araw ng paghakot ng mga basura. nailabas ko na kagabi ang rubbish bin pati na rin ang blue bin. ang blue bin ay lalagyanan ng mga basyong plastic containers at mga de lata. mamaya ko na sila kukunin. tulog muna ako ulit. antok pa ko.

Pinay sa NZ

hay nako! nanginginig na mga daliri kong makapag blog. kung kailan naman wala si bumbastik medyo may kaunting problema ang aming pansitan. pero huwag malungkot ang aming mga mahal na readers at may nilulutong bagong pansit ang aming bloglord.

pansamantalang dito muna ako magtititipa para na rin ma-update ang mga friendly readers pag ready na ang aming pansitan.

inspired by this one and this one kaya naki-join na rin ako.

malapit na akong mabuwang, sa totoo lang. lalo na at ganitong ilang araw na akong nagkukulong sa napakalaking villa ni bumbay. bwahahahahaha!!! solong-solo ko ang buong kabahayan. ay! hindi pala. may kasama ako. si lily. ang pussypusa ni bumbay.

o sya. dito lang muna at ayusin ko lang ang aking template.