<body background="http://photos1.blogger.com/blogger/3152/92/320/vdaybg.gif" bgproperties="fixed"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/9388951?origin\x3dhttp://pinaysanz.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, February 21, 2006

tatlong linggong pagtatago (part 5)

ang nakaraan...

i need to decide. magpapakita ba ako? paano kung bigla nyang buksan ang kwarto ko? magtatago na lang ba ako? male-late na ako sa trabaho ko. ano gagawin ko?????^%$#@...


katok-katok si landlady sa mga pinto. di pa ako tapos magbihis. nangangatog pa rin tuhod ko. nanunuyo na lalamunan ko sa nerbyos. bahala na.

labas ako ng kwarto. inabot ko si landlady sa may kusina. binati ko sya. lumingon sya sa akin. binati rin ako pero walang kasamang ngiti. a-tapang ng mukha. ayus! di sya happy nung nakita nya ako. pero tuloy pa rin ang project ko ng aking mala-miss universe na smile.

"im the owner of the house. i come here to fix some paints on the wall."

"oh yes.. i know you. D asked me to stay here for a while while the wife is away."

naloko na. di kaya isipin nila na ako ang querida nitong flatmate ko kaya naisipang umalis ng tunay na asawa?

ahh.. bahala na.

tinuloy ni landlady ang pagkukutkot sa mga pader sa labas ng bahay. balik ako sa kwarto at nag-ayos-ayos. pasok na ako sa trabaho. kailangan ko pa bang magpaalam sa kanya? aalis na ba akong basta?

wala namang mawawala kung magpaalam ako sa kanya.

"hi.. im off to work now. see ya!"

"yes, that's alright." a-tapang pa rin ng mukha nitong matandang 'to. di man lang mangiti. sulak na sulak siguro sa pagmumukha ko.

pagdating ko sa trabaho, tinawagan ko si flatmate. sinabi ko sa kanya ang alibi na sinabi ko sa may-ari just in case na magpang-abot sila sa hapon, alam nya kung ano sasabihin nya.

pag-uwi ko nung gabi, tinanong ko kung nag-abot sila. oo raw. ano sabi? "she's upset about you staying here."

"oh.. definitely she will get upset. she told you she doesn't want anyone to live here aside from you and your family."

kung anu-anong bs na raw ang sinabi nyang pambobola.

howell... natural lang kako talaga na ganun ang maging reaksyon nya. ang masama nito, baka ako palayasin.

"i don't know" sabi ni flatmate. "she might kick both of us out".

eh kasi naman kako, ang hilig mo talaga magsusuot sa mga gusot. pati tuloy ako ngayon, nadadamay sa mga katarantaduhan mo. saan mo ako ngayon paghahanapin ng matutuluyan?

"don't worry, she still has one week left and she'll be back to the UK. if it's time for us to go, then we go"

ay leche ka pala eh! sa loob-loob ko, ang hirap humanap ng ganito kamura at ganito kagandang lugar noh???? buset na yan!

kaya eto, kaninang umaga, nakupow! ang aga kong nagising. bakit kamo? shempre! nagmamadali ako para di ako abutan ng matanda dito. hay nako! ang hirap talaga magtago, oo!

isang linggo pa. haaayyyy!!!!

Monday, February 20, 2006

tatlong linggong pagtatago (part 4)

may isang linggo na ang nakaraan mula ng dumating ang may-ari ng bahay.

kagabi, nagbilin si flatmate. darating daw ang may-ari ng bahay mid-week. siguraduhin ko raw na malinis ang bahay. duh! as in! ako pa ang kanyang pinagsabihan. gayong kanina, nagkalat ang kanyang pinaghubaran sa sala, pati na ang kanyang kulay maroon na underwear ay ipinatong lang sa ibabaw ng washing machine. yuck! as in.. yucky talaga! ang baboy! hindi naman sya dating ganun na kung saan-saan iniiwan ang pinaghubarang underwear. pero mahigit na sa dalawang vezes nya ginawa iyon. sarap kutusan!

kaninang umaga, pa-pektik-pektik pa ako sa pagpasok. gusto ko pa sanang tumawad at matulog pa pero marami talagang trabaho. nagbibihis na ako ng biglang....

tok! tok! tok! tok!

nye! may kumakatok. di yata't ang may-ari yun? pero bakit sya kakatok ay binigay naman na sa kanya ni flatmate ang susi.

matagal akong nakiramdam. nangangatog ang tuhod ko. nanunuyo lalamunan ko. ang panty na isinusuot ko ay di ko mai-shoot ang legs ko sa nerbyos.

biglang narinig kong bumaba ng hagdan ang kumatok at umubo ng bahagya.

di ko maisungaw ang mukha ko sa may blinds at baka ako makita.

nawala ang tao.

tuloy akong nagbihis

maya-maya, may nagbukas ng pinto ng bahay.

ay tokneneng na yan! tinamaan ng magaling! santa mariang mahabagin! ang may-ari ng bahay, pumasok na nga ng kabahayan!

ano na gagawin ko? menos diez para mag alas nueve ng umaga. ikut-ikot ako sa kwarto ko. kumatok sya sa isang pinto patungo sa hallway bago ang kwarto ko. tsk! tsk! tsk! i need to decide. magpapakita ba ako? paano kung bigla nyang buksan ang kwarto ko? magtatago na lang ba ako? male-late na ako sa trabaho ko. ano gagawin ko?????^%$#@






itutuloy

Friday, February 17, 2006

emotional fatigue

dito muna ako magtatago...





ano ba ang emotional fatigue? yun ba ang napapagod ng damdamin?

eto kasing kapatid ko. nag text sa akin kagabi. iyak daw ng iyak nanay ko nung nalamang nagpadala na naman ako ng twenty dollars (ehehehehe....) sa awa yata sa akin, wag na raw ako magpadala ng pera sa kanila at ayusin ko na lang daw muna ang sakit ko. pati raw sya ay nagkakaroon na ng emotional fatigue sa aming dalawa ng nanay ko.

ang totoo kasi, although hindi na ako pinababalik sa ospital para dun sa regular na gamutan, may sakit pa rin ako. hindi ko alam at hindi rin alam ng doktor at wala silang maisagot sa aking nararamdaman. ang gara ano? in short, na-diskaril ang kalagayan ko dito sa nz. pero wala naman akong pinagsisihan na dito pa ako inabot sa nz na magkasakit. malaking pasalamat pa nga ako dahil nakakalibre ako sa hospitalization at mga check ups sa specialista. pati gamot naman ay affordable na kumpara sa pinas. iba ang kalagayan ko ngayon kung makikita mo ako kung sino ako dati. it's just that i have to live and i have to carry on with my work coz if not, i won't be able to send money to my family. sickness benefit wouldn't be enough.

sabi ko na lang sa kapatid ko, sige na lang pala at di na ako magkukwento sa kanya ng mga nararamdaman ko. basta't wag lang nyang pabayaan ang nanay ko. hangga't kaya kong magpadala, magpapadala ako (ng $20. nyehehehehe....) wag nya kakong tinataasan ng boses nanay ko. pagpasensyahan na lang. siguro ay masyado na ring stressed ang kapatid ko.

text pa sya ulet. kahit nga raw gustuhin nya na makalabas at mag-unwind, di raw nya magawa at makakalimutan na raw inang ko. baka raw magkasunog or lumabas ng bahay at malimutan na kung paano umuwi pabalik ng bahay. noong nasa amin pa ako, kapag weekened kasi ay tanghali na ako shempre magising. isang sabado, nagising ako sa ubo ko. sa pag-ubo ko, napadilat ako at nakita kong puno ng usok ang kwarto ko. narinig ko ring umubo ang kapatid ko sa kabilang kwarto kung saan ay natutulog rin sya. bigla kaming balikwas sa pagkakabangon patakbo pababa ng bahay. iisa ang nasa sa isip namin. sunog! punung-puno ng usok ang kabahayan. wala ang nanay ko. nasa labas ng bahay at mega chika pa sya sa friendly neighbors. takbo kapatid ko sa kalan. sunug na sunog na ang kalan. tinawag ng kapatid ko nanay ko para pumasok ng bahay at ipakita sa kanya ang kabahayan. ala na. nanlumo na lang si inang at napaupo sa sofa. walang imikan. walang sisihan. yun ang iniiwasan na mangyari ulet ng kapatid ko.

pilit akong pinapainom ng kapatid ko nung extra virgin coconut oil. sadyang mabisa raw talaga at marami na syang narinig na mga pagpapatunay sa mga gumaling na sa kung anu-ano pang mga sakit pati na raw AIDS. sabay tanong nya sa akin kung ano raw ba ang tunay kong sakit at bakit daw di ko sabihin sa kanya. ano nga ba ang dapat ko pang sabihin? wala ngang masabi sa akin ang doktor ko kung ano nga ba ang sakit ko. nahihirapan na rin ako. kinukulam ba ako? pilitin ko raw na uminom tatlong vezes nung VCO na yun at "promise", gagaling daw ako. natawa ako sa kapatid ko. may pa-pramis-pramis pang nalalaman. mukhang mga bagets ang mga nakakasama yata nito ano?

magdamag, iyak na lang ako ng iyak. eto ngayon at kay liit na ng mga mata ko at namumugto sa kaka-iyak. ang hirap ng malayo. ang hirap ng kalagayan namin. ang hirap! ang hirap! ang hirap! nag text ako sa aking labopmylayp. pati celfone, ayaw makisama! message not sent at wala na pala akong available credit. tama ba naman yun? wala. iyak to death na lang ako.

hanggang kailan kaya na ganito kami? naaawa ako sa kapatid ko kasi ako dapat ang nag-aalala sa inang ko. sabi nga nya, di naman daw nya sinisigawan nanay ko. wala lang daw syang kibo. para daw syang caregiver ngayon. gusto ko sanang sabihin, tamang-tama, in demand ang care-giver dito sa nz. ehehehehe.. di kaya ako batukan nun ng long distance ano?

ganyan lang naman ang panahon kung tutuusin. sabi nga nila, it's payback time. noong maliit pa naman tayo, inalagaan din tayo ng ating mga magulang. ngayong sila na ang nangangailangan ng pag-aruga, i think it's about time na ibigay naman natin sa kanila ang nararapat na pag-aalaga. i know how my brother feels but as of now, we can't do much because of my present condition. ayusin ko na raw ang aking citizenship. meaning, wag na nga raw muna ako magpadala. kapag kasi may naiipon akong pera, sa kanila ko binibigay agad. kaya ayun! ang perang para sa citizenship ay laging nasusunog. ke mahal naman kasi ng linshak na fee yan eh. di bale. hopefully ay makapag-lodge na ako soon. at kapag nakuha ko na citizenship ko, sana ay mawala na ang emotional fatigue ng kapatid ko. hindi na nya aalagaan ang nanay ko. mag-aalaga na lang sya ng mga kambal kong anak! nye-nye!!!!

Monday, February 13, 2006

tatlong linggong pagtatago (part 3)

ay leche! ang may-ari ng bahay! kumakatok na sa pintuan!

balikwas ko sa higaan. saan ako pupunta? tatakbo ba ako palabas ng kwarto? lalabas ba ako ng kwarto? dun ba ako dadaan sa may kusina? paano kung makita ako at binuksan na yata ni flatmate ang pinto?

ikut-ikot ako sa kwarto ko. paano kung biglang mag-check ng kwarto? saan ako magtatago? ikut-ikot na naman ako. ukinanam! naiihi ako! pero ang may-ari, andito na sa may hallway papunta sa kanyang kwarto. magkatabi lang ang kwarto nya at ang kwarto ko. iniipit ko na ang legs ko para pigilan ko pag-wee-wee ko. nagtext naman ang kasama ko sa opisina. may usapan kasi kami. papunta na raw sya dito sa flat! ngiii!! txt bak ako. teka lang muna kako. wag kang papasok ng bahay. andito ang may-ari ng bahay!

maya-maya, narinig ko na papalabas na si owner of the haus. may edad na nga pero mukhang malakas pa at mukhang cowboy. paalis daw papuntang south island at maki-chika-chika sa kanyang mga amigas for one week. meaning, makakahinga kaming dalawa ni flatmate for one week. kaso, eto namang si flatmate, in-offer daw ang susi ng bahay na dalhin na para anytime daw na may kailangan ay makukuha nya gamit nya sa kwarto. ayaw daw kunin pero pinilit daw nya. ha? bakit mo binigay? mas okay nga daw yun para sigurado raw na during the day ang dating nun at hindi sa gabi kung kailan na andito na ako. eh paano kako kung maagang dumating at andito pa ako at di pa ako nakakapasok ng trabaho? "ahh.. just tell her your house sitting" shet na malagket na yan! talagang feel na feel nya ang aking pagka-chimiaa! hindi! ayaw kong magsinungaling! ill tell her who i am. wag daw. please lang daw. kabilin-bilin daw ng matanda na wala syang patitirahing iba rito sa flat na ito. bukod sa mura na ang upa, maganda pa ang location at centro sa lahat ng lugar. baka daw kalabas-labas, pareho kaming masipa sa bahay na ito. naku!!!!! grrrrrr!!!!

hay nako! aatakihin ako sa nerbyos dito sa flatmate ko! one week mawawala ang matanda. one week maglalaro ang mga daga. tas two weeks kaming magtatago na naman. after that, after three years na raw ang balik ulet ng matanda dito sa nz.

kapag naman talaga, oo!

etong si flatmate, di nahintay si owner ng haus. kailangan na raw nyang umalis sabi sa txt sa akin. txt bak ako. tanong ko paano kung biglang dumating? pwede na ba kako ako umuwi?

aba! kasagut-sagot ba naman sa txt sa akin eh, oo daw, uwi na ako. kapag inabot daw ako nung matanda, "just tell her you're house sitting for the night".

ukinanam talagang indiano 'to oo! ginawa pa akong chimiaa! at sino naman kayang maniniwala na iisa-isa na nga lang nya, wala ang mag-ina nya, may house sitter pa sya? talaga naman!!!!

konting, diprensya, di pa nya nahintay ang matanda. paano kung biglang dumating at caught unaware kaming pareho?

kinaumagahan, nagulantang ako sa pagkakatulog ko at may kumatok sa pinto bandang alas nueve ng umaga. ayan na nga po ba ang sinasabi ko. ang may-ari ng bahay. andyan na sa pintuan! saan ako magtatago????
























teka lang pow.... male-late ako sa trabaho. mamaya na lang pow ang kasunod, ne?

Saturday, February 11, 2006

tatlong linggong pagtatago

tama ba naman yun?

ganito kasi yun eh. nag ring ang fone kahapon ng umaga bago ako pumasok sa trabaho. sabi dun sa caller id, "pay phone". gara ano? nun lang ako nakabasa ng ganun sa telepono ko. ayaw ko sanang sagutin pero inisip ko, baka may problema yung kasama ko sa trabaho at di nya mabuksan ang opisina kaya tumawag sya sa payphone na malapit sa opisina. inangat ko ang awditibo.

"good morning!"

"good morning! this is "blah-blah", the owner of the house."

"oh yes! good morning to you. how are you?"

"good, thank you. i just arrived from england and i wonder if i can pick up something in the house. is D home?"

"oh no... im sorry but he has already left for work. but he'll be back around 3pm"

"okay. please tell him ill be there tomorrow evening. so, how's the little one?"

"oh.. im sorry. but XYZ and the little one are in fiji for holiday" (kuning)

"really? is that their first time to go there?"

"no.. it's her second actually (and the last)"

"i see.. no wonder it seems you didn't recognize me when i introduced myself."

"oh no.. i know who you are. since when have you been here?"

"ive been here since monday. and ill be back to england in three weeks. okay then. please tell him that ill be there tomorrow, okay?"

"sure. see ya!"

pagdating ko sa opis, tinawagan ko flatmate ko. di sya mahagilap kaya nagbilin na lang ako na mag-return call sa akin.

maya-maya, tawag si flatmate. sinabi ko ang nangyari. tumawag ang may-ari ng bahay.

aba! alam mo ang narinig ko sa lekat na indiano na ito? "oh no beth..."

"what do you mean oh no?" sensing that something is wrong, "am i in trouble?"

"yes"

"what do you mean yes? it's you who's in trouble, not me! doesn't she know that you're renting the other room?"

"no."

ukinanam!

"yay! i haven't paid my rent for two months now!"

ang tinamaan ng kulog na damuho? may planong bumalik ng bansa nila, tas hindi nya binabayaran ang upa, tas ako ang maiiwan dito? okay lang kaya sya? nakita mo na kung gaano kasama itong taong ito? nakita mo? kaya di ako nagtataka at hanggang sa kahuli-huling sandali, may mga unos na dumarating sa buhay nya eh!

nung hapon, punta sya sa opisina. nagpapaliwanag. kailangan daw na ilabas ko ang ang tv at stereo sa living room at kailangang lumitaw na isang family lang ang nakatira. hindi raw ako kailangang makita ng may-ari kaya kung pwede raw ay magpagabi ako parati. please lang daw at three weeks lang naman daw kaming ganito ang situwasyon. hellowww??? gusto ko syang jombagin! ano pa? ano pa ang hindi ko alam ha? wala na raw. pasensya na raw. kaya ka kako laging naiipit sa mga situwasyon eh. gustung-gusto mong pumapasok sa mga gusot. aba! sagutin ba naman ako ng "that is life. we have to take risks." sanabagan! i don't want these kind of risks!

eto, kanina, linis kami ng bahay. inayos ang aking mga tv at stereo. san ka nakakita na may tatlong tv sa living room? sabi ko sa kanya na natural lang na may tv sa kwarto. siguro ay komo't guilty sya, ayaw nya. kaya ayun! tas san ka nakakita na dalawang computer naka-set up? dito lang. bahala na nga sya.

eto at tapos na akong maglinis. kailangan ko nang magtago. san daw ako pupunta. di ko kako alam. bahala na. bigyan daw nya akong pambili ng pizza para raw sa lunch ko. sus!

o sya! may-i-hide muna ang beauty ko. di ko alam san ako gagala. bahala na.